Hi Sir, while applying for NBI clearance I have learned that a case was filed against me some time in 1999. I went to Quality Control and found out that a BP22 case was filed against me. I was working with my cousin's company from 1995 to 1997. I managed his office and he made me the signatory on the cheques the office was issuing that time. HIndi po kse makapag bukas ng bank account yung office ng pinsan ko kse wala'ng proper permits and licenses yung opisina. yung cousin ko po nka based sa ABu Dhabi that time and daily po sya nagpapadala ng pera for the cargo expenses at sa remittances na pinapadala ng OFW. Cargo and remittance office po kse yung business. All cheques naini issue ay good naman po lahat. I resigned from the company last 1997 and that time the office was transferred doon sa pamilya ng asawa nya. I trusted my cousin and I never thought na may mga tatalbog na cheke since wala na ako sa company nya. to cut the story short, ako po yung nakasuhan since ako po yung signatory noon. Wala po ako natatanggap na subpoena or kahit anong hearing na naatendan. 15 years po ako nag work as OFW from 1999 to 2014. Nag balik po ako ng Pilipinas para maalagaan ang aking kapatid at ina na may sakit. Dahil sa pareho na po pumanaw ang aking kapatid at ina ngayon po ay nagbalak ako mag trabaho dito sa PIlipinas kaya ngayon ko lang talaga nalaman na may kaso pala ako sa Makati Court.
Nagpunta po ako sa Makati para linawin kung ano yung kaso nung araw na yun hindi nila makita yung file at ang sabi nung isang clerk nasa bodega na daw yun. the next day pinatawag nila ako at sinabi na nakita na yung file at may Warrant na daw po yung kaso ko. nagulat ako kse wala talaga akong alam sa kaso na yun. hindi ko nga po alam sino complainant at magkano yung cheke dahil sa dami ng mga na issuehan ko noon. Gustong gusto ko po mka trabaho muli.
1) Ano po ba ang dapat ko gawin?
2) wala po ako abogado, kailangan ko po ba kumuha? wala po kse ako pambayad.
3) sa tagal na panahon na po ng kaso hindi po ba nadi dismissed yun?
4) makukulong po ba ako agad?
5) ano po ba ibig sabihin na nka archive daw po yung kaso?
6) wala po ako'ng pera, magkano po ba ang piyansa sa kasong BP 22?
tulungan nyo po ako kse naguguluhan po ako at hindi po ako mkatulog kaiisip.
maghihintay po ako ng inyong kasagutan.
Maraming salamat po,
Betchay