3 yrs na kami hiwalay at walang anak, since sinoli nya ako sa family ko, at noon naman po ay hindi nya talaga ginampanan ang pagiging asawa nya sa akin dahil hindi nya ako sinusuportahan financially at wala din po akong trabaho noon, so ang aking mga magulang po ang nagpapakain sa amin, at sya ang pinapakain nya ay ang mga barkda at mga kamaganak nya kasama na po ang painom araw-araw. So nagkaroon ako ng anak sa iba at ngayon ay gusto nya iannull ko sya ako ang gagastos lahat or else kakasuhan nya ako. So nagusap kami nun march 25 2018 sa SM san pablo at ang sabi nya ay 3yrs dw at iaannull ko sya. Syempre ako takot kase my anak ako 6months pa lang po pumayag na ako at ako daw po gagastos lhat. At d ko dw po sya pwede kasuhan khit magkaanak n sya sa iba kase ako daw po ang nauna. Tapos dapat mgpipirmahan na po kame sa barangay na wala na kami pakialaman, pero umayaw po sya at ang gusto po ay humingi ng 200k at kahit di na daw po kme annulled kasi magpapagawa daw po sya ng bahay. At ang gusto pa po niya ay ilagay s kasunduan sa baranggay na bibigyan ko sya ng 200k, bayad ko daw po yun dahil nagkasala ako sa kanya. So syempre hindi ako pumayag kaya ang sabi nya ay magkita na lang daw po kami s korte. Ibigay ko daw po sa kanya in 1 year kahit 2 gives daw po or else ako na dw po ang bahala, choice ko na daw po yun. So yun po maghaharap na lang daw po kami s korte. Nagpunta po sya sa barangay hall ng baranggay namin at dun na po siguro ako siniraan sa mga tao dun. Grabe yun mental and emotional stress sa akin.Sana lang po ay hindi ako mabinat dahil kawawa naman po ang anak ko Makoconsider po ba itong harrassment/blackmailing and extortion? Makakasuhan nya po ba ako?
Sana po ay matulungan nyo ako.
Maraming salamat po.