Patulong naman po sa case ng asawa ko at ano po dapat naming gawin.. Ang asawa ko po ay ngtatrabaho sa isang malaking construction company. Ang nangyare po ay nahuli po yung kasamahan nya na naglalabas ng gamit sa site nila. Nagimbistiga po ang company nila at nilabas po ng contactor nila ang record dati na may transaction na nilabas ng asawa ko ang pvc. Ibinenta po nila yon sa isang contractor din sa halagang 110k. Pero ang price talaga nun ay 200k. Pinaghatihatian po nila un ng iba pang engr. Ngaun po nilabas ng contractor ang bank statement na sknya dineposito ang pera. Inamin nya po un thru written statement dahil sabe sa kanya gagaan daw kaso nya at ngayon naterminate sya. Kinasuhan po ung una nyang kasamahan at kasalukuyan na naghihearing. Nagfile n din daw po ng kaso sa asawa ko. Wala p kaming narereceive na subpoena. Kase po mali ang address na pinadalhan nila. Kaya po plano namin na pumunta sa prosecutor's office para kumuha ng copy ng demanda at humingi po ng assistance sa PAO dahil mahirap lang po kami. Tinry po namin mkiusap sa pinakaboss nila na isettle na lang outside the court. Kaso ayaw po. Ano po ba dapat namin gawin? Ayaw ko po sya makulong dahil may mga anak kami at maliliit pa sila. Inaamin naman po nya ung nagawa nya at handa kaming bayaran un. Pwede pa po ba masettle ang kaso kahit nafile na po? Pwede po ba na lumapit at magmakaawa ako sa company nila na isettle na lang ang kaso? Desperada na po kase ako alang alang sa mga anak namin.. Natatakot po ako at d ako mapanatag dahil sa nagyare. Please po pahingi naman po ng advise.