Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

qualified theft or ordinary theft

Go down  Message [Page 1 of 1]

1qualified theft or ordinary theft Empty qualified theft or ordinary theft Tue May 05, 2015 10:00 pm

advanced


Arresto Menor

Good Day po.  Meron po ako ligitimate n negosyo noon at sa dami ng competition ay nainganyo ako ng isang kaibigan n pasukin ang negosyong pautang. noon ay ayaw ko talaga ito, peru sa laki ng kikitain ay nainganyo din ako.  dahil di ko nga ito kabisado ay meron ako ibang negosyo n inaasikaso, kaya ipinagkatiwala ko ito sakaibigan ko.  Sa una ay naging tapat nman po sya sa akin, bilang kabayaran nman ng serbisyo nya, ay ako n nagbibigay ng pang upa nila sa bahay, at iba pa nyang pangangailangan.
Pru dumating ang panahon n napansin ko na lang n wala siyang binibigay sa akin n kita at mga listahan man lang.  hanggang sa prenessure ko n sya n bigyan ako ng running balance or listahan man lang ng mga tao n pinahiraman nya.  Meron sya pinakita sa akin n notebook, na nung una ay napaniwala nya ako n totoo un, pru napansin ko n halos isang sulat kamay lang at isang tinta ng ballpen lng ginamit, na parang isang araw lang nya isinulat lahat ng records ng ilang buwan.  dito sobra n ako naghinala.  kaya dumating ang araw n kinausap ko sya, at umamin nga sya n nagalaw nya ang pera at di totoo ung mga pinakita nya sa akin n mga records, gawagawa nya lang daw un. Nagmaka-awa sya n wag ko nalng daw sya ipakulong at huwag ko sabihin sa asawa nya, dahil baka mabugbug sya at iwanan pa kasama ng mga anak nya.

Dahil din siguro sa awa ay napatawad ko sya, at di na tinuloy na kasuhan at di ko na din sinabi sa asawa nya ang nangyari. pru sinabi ko sa kanya na kailangan isulat nya lahat sa papel lahat ng sinabi nya sa akin.  at nangako sya n huhulugan nlng daw nya ung nawalang pera (almost 200K).  Pumayag ako dito, kesa wla akong makuha at masira ang pamilya nya.

Dumaan ang mga buwan, halos 11mos na wla siyang binibigay sa akin. dahil siguro sa galit, ay nasabihan ko sya n pag di nya ako binayaran ay ipakukulong ko sya sa kasong pangnanakaw at sasabihin ko na lahat sa asawa nya. sinabi ko din na ipapabasa ko nalang sa asawa nya ung sulat pra di na ako mahirapan mag kwento.

dahil sa sinabi kong ito, inereklamo nya ako sa barangay ng panggigipit at pananakot.  Humarap ako sa Barangay at dito ko sinabi ang lahat, sa bandang huli ay nadismiss ang reklamo nya sa akin at ako nman ang nag file ng reklamo sa kanya ng pagnanakaw. sa harap ng lupon, ay di sya sumagot sa lahat ng tanong.  

payo po ng Lupon ay kasuhan ko ng Qualified theft ung tao at magagamit ko daw n ebidensya ung sulat nya sa akin.  Tama po ba n qualified theft ikaso ko sa kanya?  wla po akong maipapakita na payslip or kahit ano n magpapakita n naging tauhan ko sya.  Pru sa sulat na ginawa nya noon ay nakasaad ung salitang "ako si ______, na pinagkatiwalaang humawak ng pera para pautang...

Halos isang taon n po nung mangyari nung pag amin nya sa akin n nagalaw nya ung pera,  pasok pa po ba ito sa prescribe period?

Kung hindi po qualified theft, anong kaso po dapat?



Last edited by advanced on Tue May 05, 2015 10:09 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : addendum)

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum