Magtatanung po ako,hindi po kasi ako mapakali, ngayon lang po nakatanggap ako ng text galing sa bunso kung kapatid na babae. Ang kapatid ko pong lalaki sunod sa akin nakakulong po. Eto po ang nangyari , ilang beses na ang bother kong nagsabi sa tatay namin na walang modo ang anak ng kapitbahay nya (bahay ng bother ko). Kilala ko po ang nanay ng bata (17years old) dahil matagal din po ako nakatira doon sa kapatid ko.Kunsintidora po na ina,lahat ng mga anak nya walang modo lahat po sa baranggay alam kung gaano ka walanghiya ang mag-anak na ito. Ngayon po ilang beses na po binabato ang bahay,halaman at aso ng bother ng batang ito, pero kanina po hindi na mapigilan ng bother ko dahil umuongol na po ang aso nya, kaya po kumuha ng tubo ng tubig ang bother ko at hinabol po ang bata,pumasok sa bahay nila pero napalo po ng bother ko ang paa ng bata, hindi naman po masyadong malaki ang sugat,daplis lang po,ngayon nakakulong po ang bother ko,sabi ng ina ng bata magsasampa sya ng kaso,dahil nabastos daw sya ng sabihin ng kapatid ko hindi sya marunong magdisiplina ng anak nya (welknown po ang bata sa luagr na barumbado at adik po sa drugs). Ang tanong ko po kung posible ba na child abuse ang kaso?kung child abuse ilang taon po ba ang sentinsya ng kapatid ko? kung sakali hindi po makafile ng kaso,ilang araw ba dapat madetain ang kapatid ko sa kulungan po? nag-aalala po kasi ako,sya na lang nag-iisang kapatid kung lalaki,panganay po ako,sunod bother ko,then isang brother pa pero namatay na po, kaya po ako nag-aalala dahil tahimik po ang bother ko na eto,mabuti po sya,magalang at pasyensyoso,alam ko pong sobra na ang nagawa ng bata kaya rin nawalan ng pasyensya ang kapatid ko at nagawa nya yun. Isa pa po kilala rin sa lugar na mukhang pera ang nanay ng bata kaya naisip ko po na baka gusto magpabayad. Pero kung hindi po sila makapag file ng kaso ilang araw po ba dapat madetain ng walang complain po? need to know po di po ako makatulog,nag-aalala ako sa bother ko po. Please reply soon. Thank you po.