Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

VAWC_psychological abuse

Go down  Message [Page 1 of 1]

1VAWC_psychological abuse Empty VAWC_psychological abuse Fri Sep 14, 2018 3:11 am

Aces


Arresto Menor

Good evening po.

Need ko po ng advises nyo about psychological abuse po. Isa po ako lalake at nagkaroon ng relasyon sa isang babae na may dalawang anak po. about 2 months pa lang kami, Pinatira ko po ang GF ko sa boarding house namin on the basis po na nag-away sila pati ang nanay nya. Sumbong po ng GF ko na lagi sila nag-aaway kaya naawa po ako sa kanya at pinatira po sa isang unit ko kung saan ako nagkatira. Since hinde pa kame kasal, nagtransfer po ako sa old house ko pero within sa compound. Ang verbal agreement po namin ng GF ko about visitation ng father ng mga anak nila ay di po allowed ang father magvisit sa unit namin pero pwede kunin ang bata. Isang araw po, naabotan ko na ang father ng mga bata nasa loob ng unit namin. At sumunod pa ito ng pangalawang beses. Dahil dito pinauwi ko muna ang GF ko sa bahay nila para maiwasan ang mag-away kami pati ang dating kinakasama nya dahil hinde pa po ito alam na may relasyon na kami. Buntis po ang GF ko pero di po ako sure kung ako ang tatay kasi lagi pa rin sila nagkikita pati ang dating kinakasama nya. May araw po, GF ko mismo ang pumunta sa bahay ng dating kinasama nya. Sabi nya dahil po gusto po Makita ng dating live-in partner nya ang mga anak nila.

Isang araw po dinala ko ang GF ko sa hospital dahil sa situation ng fetus na hinde daw po maayos. Pinauwi po kami ng doctor after 4 days then tinanong ko ang GF ko kung saan sya uuwi, ang sabi nya sa nanay nya. ang sabi ko nga sa kanya na iparenta na lang ang unit para makatulong sa amin financially kasi nga di naman sya umuuwi more than a month na. Dinala ko nga po sa bahay nila pero pagkatapos ng ilang oras tumawag ang nanay nya na super galit sa akin kasi bakit ko daw doon dinala ang anak nya. ayaw daw nya ng problema. kinabukasan may summon ako sa barangay na dahil daw nagcommit daw ako ng psycholigal abuse sa anak nya. Ang GF ko nagsupport din sa allegation ng nanay nya. Ehh hinde po kame nag-away ni minsan ng GF ko. Di rin po ako nag utter ng bad words sa kanya.  maybe depress sya dahil natanggal sya sa trabaho dahil sa habitual tardiness at walang license as security officer. Sabi ng GF ko dahil daw sa akin kaya sya natanggal. Ako po ang sinisi nila. Pati ang reseta nya ayaw ako bigyan para bilhan ko. Ganoon pa man, binibigyan ko ng pera ang GF ko via online transfer account to assist her financially in my own little way. Nag issue din sa kanya ng BPO against me.

Since more than a month na sya di umuuwi, bumalik ako sa unit ko at napack ko ang gamit nya at nilagay muna sa old house ko. pero nagalit sila at nagreklamo sa barangay na nagviolate daw ako sa BPO.

Ang tanong ko po,

Anong evidence ang pwede nyang idiin sa akin na ako po ay nagcommit ng psychological abuse sa kanya?
Anong pang counter ko sa allegation nya po?
May bail at magkano po ba sa ganitong kaso?
Magkano kaya ang budget ko para idepend ko sarili ko po?

Need ko po help nyo. please

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum