I just want to seek a legal advise po for my mother and brother. Naghiwalay po ang brother ko and ka live in nia last year. May dalawa silang anak. We tried not to interfere pero nagkakasakitan na din po sila. So ayaw na po ng kapatid ko. We admitted na may pagkukulang ang kapatid ko. Dahil sa pagiging immatured and palipat lipat ng trabaho dahil di nia tinutuloy sa kung anu anong dahilan. Buti nga po natatanggap pa kahit diser na laging 1-2 buwan lang. kinakausap namin siya ng mama ko bakit hindi nagaayos sa trabaho. Magkasintahan pa lang sila, pinagsabihan na ng mama ko yung babae na walang mapapala sa kapatid ko. Una, undergraduate ng highschool kasi na adik sa kaka computer. Pangalawa, hindi makausap ng matino, hindi marunong mangatwiran.. which is sa tingin ko kaya nahihinto sa trabaho. Hanngang sa nabuntis nia GF nia at nag live in sila. Akala namin nung magkaanak siya mag mamatured pero hindi niloloko niya lagi mama ko na nagbibigay ng pang requirements at pang allowance niya sa trabaho. Yung ka live in nia may work kya ang bata inaalagaan ni mama. So madalas isang beses sasahod and yun na din ang last. Based sa paulit ulit niyang pangako na magtitino na siya, at sa mga paalala at pakiusap namin. Walang nagbago asa lang kami ng asa yun pala di pa rin siya nagbago at nagkaroon pa sila ulit ng anak eventhough pinagsabihan na nmin si girl na wag na magpabuntis dahil mahihirapan lang sila. Tapos taga alaga mama ko na matanda na.Napinagsimulan ng away nila at nakuha pa magka gf ulit ng kapatid ko which is I cannot deny na maling mali lahat. My family is anticipating na parang hindi tama ang pagiisip ng kapatid ko dahil sa paulit ulit na panloloko. At kahit nakikipagsagutan na si girl sa mama ko dahil sinasaway sila parang wala siyang paki alam. Lagi na niang dinadakdakan ang kapatid ko madalas na silang magaway kahit sa harap ng bata. At pag galit si girl sinasaktan na din niya ang panganay niya.
To cut the story, they separated umuwi si girl sa province niya kasama ang bata. Nag demand siya na padalhan nalang mga anak nila. Hndi makapagpadala ang kapatid ko dahil wala na naman siyang trabaho. So si girl nag demand , nagpa baranggay at nagpirmahan sila na bibigyan ang mga bata ng 1,500 kinsenas at katapusan. Nag agree sila at pag di nagpadala ipapakulong nia although una gusto nia iwan ang bata sa magulang ko. Kaso hindi kami pumayag dahil matanda na magulang ko di na nia kaya mag alaga ng isa , dalawa pa kaya. Highblood, at sakit sa kidney at rayuma ang magulang ko. Kaya sustento nalang ang napagkasunduan.
Hawak ng mama ko ang mga resibo ng padala nila. Nagpadala pa nga si girl ng tiket sa school ng bata pra ibenta. Di naibenta ng mama ko lahat. Pero binuo nia pa din ang halaga nun. One time, pinapunta ang kapatid ko dun gusto daw ng bata daddy nia magkorona. Ang pera niyang pampadala ay napapunta sa pamasahe sa norte. Pilit siya ng pilit na pauwiin dun , pinagbigyan ng kapatid ko pra sa bata daw. Yun lang ang nadelay kasi napamasahe instead na ipadala. Last time tinawagan niya mama ko na naiwan lang cellphone. Tapos ang dami na niyang sinabi usapan nila lunes magpadala eh sunday pa lang naipadala na ng mama ko at sinabi ni girl na wag na daw, di na nila kailangan. Kunin na lang daw ang pera. Tapos tumawag sa baranggay namin at ipapapulis ang kapatid ko.
Laging bastos magsalita yung girl sa mama ko. Naiintindihan ko ang pinanggalingan niya dahil ina rin ako. Pero hindi ako maghahabol sa lalaking katulad ng kapatid ko. Right ng mga bata yun I respect it. Now, ayaw niya ipakuha ang pera para sabihing hindi nagpadala ang kapatid ko. Mga magulang ko suko na din kausapin ang kapatid ko dahil need na namin ipa consult sa psychiatrist nung sinubukan namin ofcourse ayaw ng kapatid ko. Pero I’m pretty sure may mali sa pagiisip ng kapatid ko. Kaya nga nasabi na lang ng magulang ko na sige hayaan mo siyang ipakulong nia ,sila din naman lalong walang maasahan. Sinisiraan din naman nia sa bata ang tatay nila pati lola.
Tanong ko lang po, okay naman padala niya yun na ang napagkasunduan. Nadelay lang nung pinauwi siya at pinamasahe. Tapos ayaw nia na kunin yung ipadala, gumagawa siya ng paraan para mag complain. Madalas na po mahighblood ang mama ko nakakaawa baka biglang atakihin. Meron po ba pwedeng icomplain sa babae dahil lagi niyang sinisinghalan ang mama ko ginigipit niya eh araw lang naman na delay ung padala ng kaptid ko.Ayaw naman kausapin ng kapatid ko, wala po kasi siyang pakialam dahil sa estado ng pagiicip niya. Nag aalala lang po ako kasi nasa abroad ako malayo sakanila. Alam din ni girl na dapat na din ipatingin yung kapatid ko.
Thanks in advance po sa advice.