Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Buy and sell of cars

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Buy and sell of cars Empty Buy and sell of cars Fri Feb 02, 2018 11:37 pm

jamjam20


Arresto Menor

Good day!

Hihingi po sana ako ng advice para sa aking kinakasama. Ganito po kasi, yung kinakasama ko po ai matagal na nag buy and sell na business pero yung paisa isang unit pinaka madami na yung magkaron ng tatlong unit na sasakyan. Bale po silang magkakapatid tatlo sila halos yun na kinagisnan na trabaho.

Last year po mga siguro october 2017 yung kuya ng kinakasama ko ai may nakilalang tao sa isang company na pinag ttrabahuan ng asawa niya. Siguro nagka kwentuhan then nagkatanungan kung ano ang mga pinag kaka abalahan sa buhay. So nabanggit sa malamang ng kuya ng aking kinakasama na nag buy and sell sila. So one day, siguro naenganyo din si Mr. X nalang po ang itawag ko dun sa guy, siya po mismo ang nag approach sa kuya ng kinakasama ko. Ang sabi gusto din niya subukan at mamuhunan. So siempre si kuya sumang ayon lang and sinabi kung panu yung mga ginagawa nila. Yung kinakasama ko malapit lang din kasi dun sa area ni mr. X and sa tinitirhan ni kuya nia kaya tulong na din sa kinakasama ko isinali na din siya and pinakilala din kay mr. X na kapatid nga nia and ganun din ang nature or field ng business.

So si mr. X naging parang financier. Ang naging usapan kasi nila mag bbgay si mr. X ng puhunan tapos kukuha yung magkapatid ng unit at palaguin. So ganun n nga ang nangyari. Binigyan sila ng puhunan at nakakuha ng unit. 1st unit nila naging ok ang takbo within two weeks naibenta agad yung unit at tumubo puhunan ni mr. X. So pagka benta binabalik nila yung pera kay mr. X kasama puhunan buo plus ung declared amount na tinubo.

Ngayon nag bgay ulit si mr. X ng puhunan. Then yung puhunan kumasya ang dalawang unit. Ang problema tumagal ang benta kasi nag sunod sunod ang mga holidays and kung may buyer man eh halos hingin nalang ang sasakyan kung tumawad. So hindi na muna nila binenta at nag aantay sila ng buyer na kahit papano eh sapat ang tawad na hindi naman sila malulugi. So inabot ng more than a month siguro then inabot this january ung unit. Pag dating ng second week may mga buyer na dumating at halos magkasunod na nabenta yung sasakyan siguro 2 to 4 days lang ang pagitan.

Naibalik ulit sakanya yung puhunan niya ng buo at tumubo pa. Ang naging problema yung isang unit na naibenta eh nagka problema sa bumili. Hindi kasi buo ang naibayad kasi humingi ng extension dahil nagka emergency yung anak eh naospital. So for consideration na din pumayag nalang yung mag kapatid. Then ininform si mr. X.. nasa 40k ung kulang. Then dumaan ang ilang araw tumawag na si mr. X na kunin na yung money then sabi ng kinakasama ko sige pupuntahan nila. Then hanggang sa kakakulit napag salitaan n nia kinakasama ko na wala siang pakialam kung may naospital or kung anu pa man. Sila na ang gumawa ng paraan dun sa kulang. So tumupad naman sa usapan yung magkapatid. Nag produce sila ng 40k. Kasi time pressure ang ginagawa sakanila ni mr. X tumawag sI mr. X ng monday dapat masettle na daw before friday.

So ngayon ok na buo ang pera nia puhunan at tubo ng pera nia. Nagkausap sila ok naman nung binigay yung 40k kaso kinaumagahan tumawag nnman si mr. X sa magkapatid. Gusto naman nia ibigay lahat sakanya yung mga id ng mga buyer simulat sapul pati copy ng or/cr ng mga sasakyan pati deed of sale. So sabi ng magkapatid nasa buyer na yun. Pero mapilit si mr. X kung d daw ibbgay sakanya in 3days eh mag ffile na daw sia ng estafa/swindling against sa mag kapatid. So hinanap nila magkapatid lhat ng files at naibgay naman lahat.

So tumahimik ng 2days. Tapos kahapon tumawag yung kuya ng kinakasama ko na pinamalita dun sa company na pinag ttrabahuan ng asawa ni kuya na swindler nga daw sila kaya wag daw sila na kakausapin. So nagulat sila kuya and kinausap din sila ng admin ng company na pinatitigil na muna sila na pumasok sa work dahil dun. So si kuya sinabi yung side nia and naintindhan naman sila. Pero laki naging impact sakanila dahil kalat na talaga sa company.

Today naman po tumawag nnman ngayong gabi si kuya na tumawag daw ulit si mr. X sakanya at hahanapin naman yung buyer nung sasakyan at itatanong kung parehas yung amount sa naka declare. Ang problem is sa buy and sell may ahente si buyer so si ahente ang kausap nung buyer at ung ahente ang kausap ng magkapatid. Ngayon humahanap talaga ng mga reason si mr. X para masampahan ng estafa/swindling yung magkapatid..

Ano po kaya mga pwedeng mangyari o pwede po ba talaga makasuhan silang magkapatid and anu po kaya pwede naming gawin? Worried na po kasi talaga ako.. salamat po.

2Buy and sell of cars Empty Re: Buy and sell of cars Wed Feb 07, 2018 9:25 pm

attyLLL


moderator

what they should be doing is to compile proof that all their accountabilities to the financier have been met. this will be their defense if he files a case

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

3Buy and sell of cars Empty Re: Buy and sell of cars Wed Feb 07, 2018 11:51 pm

jamjam20


Arresto Menor

Thank u atty. Yes may mga pinapirmahan yung kinakasama ko na narecieve nila kahat ng original documents na hinahanap niya plus di niya binubura lahat ng message history or conversations nila. Pero until now sinisiraan pa din sila ni financier sa work and Pumunta siya sa bahay namin at sa bahay ng kuya ng kinakasama ko kaso walang naabutan kasi may lakad kami that time. Salamat atty now my idea na ako na kahit papano sa gagawin namin at may panghahawakan din kami laban sakanya bilang depensa..

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum