Ako po ay 23 yrs old, isang guro sa pribadong paaralan. Ang pasok ko sa trabaho ay half day lamang. Nagtutor ako sa C Mejia Tutorial Services last January until March 2017 (may contract) Sa 3 buwan ko doon, delayed ang sahod ko. Tapos yung huling sahod ko P4, 400 dapat pero P4, 000 lang ang binigay niya. Pinabayaan ko nalang. Ngayon, tinawagan niya ako ulit noong September 2017, tinatanong kung pwede ba ako magtutor. Nagdalawang isip ako dahil delayed nga magpasahod (may mga binabayaran akong bills na naka schedule kaya budgeted talaga ang pera ko at hindi naman kalakihan ang sahod ko) tinanggap ko pa rin kasi sayang naman ang kikitain ko. Pumirma ako ng kontrata sakanya hanggang December 2017. Sahod ko ng October hanggang December, Januray na niya binigay. Tinadtad ko pa siya ng text at napakatagal magreply (di ko pa binubura yung conversation namin) Ngayon yung binigay niyang sahod sakin nitong January kulang pa ng P1, 400. Medyo malaking pera na para sakin yun, sayang din yun. Hindi na siya nagrereply sakin. Ano ba ang pwede kong gawin? Naisip ko magreklamo kaso baka mapagastos pa ako. Pero gusto ko makuha yung pera at nalaman ko na matagal na siyang ganyan pa.a Alam ko ko namang hindi kalakihan yung halaga pero gusto ko pa rin ipaglaban kasi pinagtrabahuhan ko yun