Regarding po ito sa kaso kong money claims since almost 7 mos na po since last day ko ay hindi ko pa nakukuha last pay ko.
Bec of this nagdecide ako last month na magfile sa NLRC at dinedemand ko na din pati commission na hindi na daw ako entitled makuha. Hindi ako sinipot sa SENA at sa 1st hearing ng prev employer ko with labor arbiter. Umattend lang sila sa 2nd/last hearing at kahit sobrang baba na ng amount (35k), hindi pa din sila nakipagsettle. Lugi nga po ako dyan kasi computation ko is around 65k talaga pero gusto ko nalang matapos. This happened last week. Sabi employer ko, iddaan daw nila sa legalan. Kala ko sasabog na dibdib ko dahil sa ganun kaliit na amount e pinapahirapan pa din nila ako.
After the hearing naghanap po agad ako ng lawyer (hindi na free yung nakabackup kong lawyer dati) at nagconsolidate kami ng evidences since Friday until kahapon para sa position paper. May flight po sana ako sa Cebu nun Friday pero napostpone dahil dito. Lahat niready ko na, pinaxerox employment contract, resignation at kung ano ano pa para mapagaralan ng lawyer ko for the position paper. Nakailang byahe din ako sa Alabang kc tagadon lawyer ko e taga Montalban po ako.
Fortunately today, nakareceive ako ng message from HR ng previous employer ko. MAKIKIPAGSETTLE NA DAW PO SILA. Sobrang nagpasalamat ako sa Diyos na malapit ng matapos kalbaryo ko sa wakas.
My question is, sa 35K pa din po ba sila magbabase since yun ang huling usapan PERO tinanggihan naman nila or pwede ko na po hingin yung karapatdapat sakin? Nasa 65k po talaga computation ko plus yung hassle na naghanap ako ng lawyer at hindi na tumuloy sa flight. 7 mos din delayed ang last pay ko at walang kapera pera nun Pasko. Kahit sana 75K ay makuha ko para hindi naman ako lugi.
Worry ko lang po, baka isipin nila arbiter at ng HR namin na pabago bago amount na gusto ko? Help po please. Sana po mabigyan nyo ko ng magandang advice.
~GWID