Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Please help: Lessor padlocking commercial establishment

4 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

Cheeseburger2018


Arresto Menor

Ako po ay humihingi ng advice about sa sitwasyon ng aming negosyo. Hindi po kami nakapagbayad ng 1 buwan sa lessor ng commercial space namin. Pagdating po namin sa space, ito'y nakapadlock na at hindi daw maaring buksan hangga't walang bayad na buo. Ang aming problema ay lahat po ng aming paninda, pati mga pending na idedeliver na products ay nasa loob ng shop. Nais ng lessor na magbayad kami ng 2 buwan na renta (ang unang buwn na pumalya kami sa renta at pangalawang buwan na hindi rin nagamit dahil nailock ang property).

Nung Disyembre, pinaalam na namin sa lessor na ang kasama sa renta naming aircon ay hindi pa rin gumagana (3 months nang nagooperate na wala ang ac), pati ang matinding problema sa ipis at daga na hindi naayos bago kami magmove (lero nakabayad na kami ng deposito).

Ang problema po ay malaking korporasyon ito sa Manila at ang space ay nasa kilalang mall. Walang sumasagot sa mga tanong namin at ang tanging gusto lang nila ay bayaran sila ng buo kahit hindi naman nagamit ang isang buwan.

Hindi rin namin mabayaran dahil lahat ng pagmamayari naming gamit, paninda, etc ay nasa loob ng property na ito.

Nakakapanlumo dahil lahat ng inipon at pinaghirapan naming pera ay nawala na parang bula.

Maraming salamat po sa lahat ng makakatulong sa amin.

arnoldventura


Reclusion Perpetua

Hindi tamang i-padlock ng lessor mo yung pwesto mo. Hindi ko sinasabing wag kang magbayad, pero hindi dapat ilagay ng lessor mo ang batas sa kanyang kamay. Since ikaw ay hindi nakakabayad ng renta, ang maaari nya lang gawin ay ang magdemanda laban sayo para singilin ka ng unpaid rent, and/or i-eject ka mula sa pwesto mo. Subukan mo din to basahin, para lang may idea ka kung ano lang ang mga pwedeng gawin ng lessor mo sa ganitong sitwasyon. https://www.alburovillanueva.com/ejectment-leased-premises

attyLLL


moderator

Look back into your lease contract if it allows them to do that

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

Sweetbabybelle


Arresto Menor

Hello po ask ko lang po pag yung vacant rooms po ng bahay namen we decide na paupahan na lng kay sa bakante po cya. Need ba namen mag apply pa ng business permit?

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum