I worked in one of the big insurance company here in the Philippines. Nagipit ako at nakagawa ng masama sa ilang plan holders ko. Tuwing magbabayad sila, nag iissue ako ng resibo pero di ko lahat nireremit,tinatamper ko ang duplicate nito. Ginawa ko ito dahil may loan shark ako na nautangan na sobra ang naging takot ko. Nang malaman ng kumpanya ko ang ginagawa ko, kinausap ako na aminin ang pangalan ng mga ginawan ko ng ganun bago nila ako ipakulong. May mga plan holder na 650 to 4thousand akong nagawan ng ganito at halos nabayaran ko na except dun sa iba na naiwan dahil hindi ako makatrabaho dahil di ako umaalis sa lugar kung saan naroon ang office na pinagtrabahuhan ko.humihingi pa po ako ng extention para mabayaran ko lahat lahat, kaso by monday ipapakulong na daw nila ako.alam ko po mali ang ginawa ko, akoy nakiusap na huwag ng humantong sa pagpapa pulis sa akin at inamin ko naman at hindi tinakbuhan, in fact aking binabayaran sa konting oras na binigay nila sa akin, ang problema lang dahil sa kawalan ng trabaho hindi ko mabigyan o madagdagan ang naibayad ko na. Maco consider pa po bang crime ang ginawa ko kung ako po ang umamin na, nagsimula ng mabayad, napahiya sa buong bayan namin, ngayon naman at ipapakulong pa?ano ang dapat.kong gawin? Maraming salamat po.
Free Legal Advice Philippines