Hello. Need help. Working po ako sa bpo. Nov 2017, nisabihan ko si tl na malaki ung chance na magreresign ako by end of year. Sabi nya kausapin daw muna ako nung manager. Dahil nahihiya ako, sabi ko sa dec na lang pag nakapagpasa na ko. So dec 1, sabi ko magpapasa na ko, pero ayaw tanggapin ng tl ko dahil kailangan pa daw ako kausapin nung manager. So sabi ko ok, pero maglalast day pa din ako sa 31. Sabi nya bahala ako. Two weeks na, di pa din ako nikakausap so dec 15 nipilit ko na talagang ipasa ung resignation para atleast may 15 day notice. Nung magcleaclearance na ko, ayaw nila kasi kailangan ko daw magrender ng 30 days. Kinausap din naman ung hr, ang sabi technically, nakapagnotice naman daw ako, ang mali ko lang ay hindi nagfollowup, to think na sinabihan ako na kailangan muna akong kausapin ng manager bago tanggapin ung resignation. So sabi ni hr, bahala na daw magusap si tl at manager. Ngayon, ang gusto nilang mangyari, pumasok ako hanggang 15 (na hindi na talaga kaya kasi may work na kong bago) or else terminate nila ko dahil sa attendance. Sa totoo lang po, ang dami ko din naman absent nung dec, 2 or 3 days lang ako halos pumapasok sa isang linggo. Pero tama po ba ung ginawa nila? Or pwede ako magfile ng complaint? Salamat po.
Free Legal Advice Philippines