karugtong din ito doon sa sinula ko kanina...
Another topic ito pero iisang property lang ang pinaguusapan.
Ganito po ito...
Since ako ang nagkakapagabroad that time, don sa lote na nabanggit ko kanina, eh nakagawa ako ng bahay namin at una dalawang paupahan sa baba, at sa paglipas ng ilang taon, nakapagdagdag pa ulit ako ng ilang mga kwarto sa 3rd floor at ito ay napapaupahan pa rin namin.
Ngayon most of the cost ng pagpapagawa ay ako at ang kapatid ko at mga anak niya at bayaw ko eh tumutulong lang habang nagpapaayos ako. meaning... may konting labor sila na share sa pagpapagawa... but meron din akong mga hired na laborer or workers habang ginagawa ang mga structures.
Noon ako ang namamahala sa mga paupahan at ako ang komokolekta sa upa. Ngayon since nasa abroad ako... sila na ang pinamahala ko sa mga paupahan. Sila ang kumukubra ng mga upa. I allowed them to do so.
But now I want to get it back. At parang nakikita ko na di papayag na itong kapatid ko dahil nakikinabang na siya. At since partly owner siya ng lote.
Ngayon tanong ko eh sino po ba ang may karapatan sa paupahan?
Or how we should settle this problem... halimbawa gusto kong kunin yung para sa akin.
Salamat in advance sa advise.
Cil Gabionza