Nagkaron po ako utang sa bangko ng alukin at pumayag na gamitin requirements ko ng isang kakilala sa pagkuha ng sasakyan.
Matapos makuha ay nawala na sila parang bula at ako lang ang hinahabol ng bangko. Sa sobrang pressure ng paniningil ng bangko
ay nagkaron ako ng sakit sa puso at napilitan mag-resign sa trabaho.
Ngayong 2 taon ang nakalipas at nakapagpalakas na ako, nakakuha po ako ng online job at unti-unti nakakaipon at ang balak ko po ay bayaran na lang ang nakuha sa bangko kahit hindi ako ang nakinabang. Paano bo ba ang proseso nito? Di ko alam kung ano na ang hakbang ginawa nila at nag-aalangan po ako dumerecho sa bangko.
In good faith babayaran ko pahat ito. Paki-advise lang po paano tamang gawin.