pa help naman po sa kaso ng mama ko kasi may nakaalitan sya na kapitbahay namin. nagsimula po ito ng nagreklamo ang nanay ko tungkol sa tubig na dumadaloy sa tapat ng bahay namin. yung tubig po na yun ay kapag sila po ay naglalaba at naghuhugas ng dumi ng mga alaga nilang aso which is bumabaho kapag di nawawalis papunta sa butas ng drainage. sinabihan po sila na kung pwede po nila walisin yung tubig papunta sa butas para di mangamoy. hindi po sa sila nakipag usap ng maayos sa nanay ko at bastos pa makipag usap ang katulong nila. hanggang sa nag decide ang nanay ko na mag sumbong sa village admin tapos lagi din sila pinupuntahan ng guards para pagsabihan. nagsalita pa c miss T na buti pa daw ang aso nya may breeding kesa sa nanay ko. tapos provocative na din ang ginagawa nila tintaon nila ng magdidilig at maglaba kapag nakapaglinis na c mama sa labas. hangganga sa nagkasagutan si miss T at nanay ko at sinabihan pa nya ang nanay ko ng kung ano ano at nagsabing di daw sya bababa sa level ng nanay ko at nasabihan sya ni mama na ano ba ang level mo e kabit kalang naman. dun po nagkagulo at pina barangay nila si mama. kinasuhan sya ng slander. hanggang sa nag file na sila ng kaso sa fiscal. nag counter din kami ng blotter sa barangay ng nuisance tapos minura mura pa ng katulong nila ang kapatid ko na 10 yrs. old habang naglalaro kaya nagalit ulit ang nanay ko. tapos yung letter na galing sa NBI yung messenger kasama nila miss T sa sasakyan at nagtanong ang messenger sa katabing bahay namin kung saan yung unit namin tapos binuksan nya din po ang sulat. tapos wala din pong seal yung letter.
patulong po kung anong pwede naming gawin. salamat po.
patulong po kung anong pwede naming gawin. salamat po.