Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Appointed as Corporate Secretary & Company Stockholder

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

harjhon


Arresto Menor

Magandang araw po...ako po ay lubhang naguguluhan sa pinirmahan kong mga dokumento. Ang asawa ko po ay nagtatrabaho sa isang lending corp.sa pamamalakad ng isang indian national . Mahigit 10 years din po siyang nanilbihan sa taong ito. Sa loob ng 10 taon wala akong natatandaan na nkatanggap ng buong sahod sa boss niya. Daily binibigyan lang siya ng allowance na 200 na siyang pinagkakasya namin sa aming pang-araw-araw na gastusin. At pambayad sa aming inuupahan at monthly billing. Hanggang sa nagkaroon ng panukala c Pres.Duterte kaugnay ng 5/6 at kailangan niyang muling i-renew ang kanilang business permit. At sa pagkakataong ito binago nila ang name ng korporasyon. At nangailangan sila ng mga member na karamihan ay Pilipino. At isa ako sa napabilang sa Corporation. Naitalaga ako bilang corporate secretary at naging shareholder pa ng corporation batay sa dokumentong pinapirmahan sa akin. Sa kabilang banda natuwa ako dahil 2 na kaming may trabaho. Lalo na at may 2 kaming anak na kailangang itaguyod. Kaya ng pumunta sa bahay namin ang kasamahan nila hndi na ako nagtanong pa. Pinirmahan ko ang mga dala nitong dokumento. Binasa ko kung sinu-sino ang member. Bachelor Degree ako kaya sabi ko ok sa akin ung trabaho. Pero ung 2 member d naman cla degree holder. Sabi ko ok lng basta may trabaho ako. January 2017 ng pumirma ako sa mga dokumentong yun. Subalit lumipas na ang 9months wala parin ung trabahong inaasahan ko. Nagkataon naman na umalis ung asawa ko sa trabaho niya bilang kolektor. Nagcmula un nung nagpaalam xa na d papasok dahil sa sobrang pananakit ng likod. Inakusahan pa ako na nagsisinungaling. Halos d makatayo yung asawa ko tapos pipilitin niyang pumasok. Ok lng sana na magalit xa kung may natatanggap ba kaming benipisyo. No work no pay naman. Kahit philhealth o sss wala anong irereklamo niya. Buong taon na pagtatrabaho wala man lang pahinga ggising ng 5am papasok ng 6am. Uuwi ng 8pm overtime naglevel up naman ung take home naging 300. Ngayon po ito yung katanungan ko...
1. Maari ko po bang kasuhan ang boss ng asawa ko na ginamit ang pangalan ko para maging legal ang negosyo niya?
2. Maaari ko po bang makuha ang 9 na buwang sweldo na dapat ay natanggap ko mula ng pumirma ako sa trabaho?
3. May karapatan po ba akong hingin ang mga benipisyo na dapat ay ibigay nila sa akin sa 9 na buwang napakinabangan nila ang katungkulang pinirmahan ko.
4. Tama po bang sabihin ng asawa niya na hndi niya alam ang pinirmahan ko at sabihing hndi pa daw nag ooperate ang korporasyon. Samantalang matagal na irong nag ooperate pinalitan lng ng pangalan.
5. Tama bang sabihin nilang maghintay ako kung kailan ito mag operate saka magsisimula ang trabaho ko?
6. Ilan lamang po yan sa mga katanungang gusto kung mabigyan ng kasagutan. Sana po matulungan ninyo ako. Salamat po.

lukekyle


Reclusion Perpetua

1. pwede. pero pwede ka rin kasuhan dahil kasabtwat ka sa anti-dummy law.
2. most like no work no pay yan, unless meron nakasulat dun sa pinirmahan mo na may sahod kahit di ka pumasok.
3. depende sa #2. kung wala kang pinirmahan about it, ang default ay no work no pay. walang sweldo ang director unless specified na meron
4. mali sya kasi nagsinungaling sya.
5. hindi mo kelangang maghintay pero wala ka talagang matatanggap hanggang di sila mag operate or hanggang di ka nila pinapapasok

harjhon


Arresto Menor

1. Ang ini-expect ko po may office clang ilalagay para sa new corporation nila. At ang expectation ko rin katulad ng ibang lending corporation may office. Bachelor Degree nman ako at tama lng para sa akin ung katungkulan ko. Kaya hnd ako nag isip ng kahit ano. Tama po ba na questionin ko cla tungkol sa trabahong pinirmahan ko. Lalo na at d nila ipinaliwanag kung ano ba talaga ang papel ko. Until now naka hang parin ako.
2. Batay po sa pinirmahan ko wala pong nakasaad doon tungkol sa suweldo ng mga tauhan. Ang tanging nakalagay sa dokumento ay ang mga bagong meyembro at mga stockholder ng corporation at ang address nito. Walang nabanggit na kahit ano sa pasahod.
3 Ang pagiging stockholder ko po maari ko bang malaman kung may habol ako dun?
4. Nagpadala na po ako sa kanila ng sulat hinggil sa aking mga katanungan. Tama po ba yung ginawa ko?
5. Tama din po ba na harangin ng dating boss ng asawa ko ang trabahong inaalok sa knya at sabihing tauhan xa nito kung iha-hire ang asawa ko ung ruta nila sasakupin nila. Kaya now standby ang asawa ko ng dahil sa knya.
Ano po ang dapat kung gawin sa pagmamalabis na ito ng may ari ng korporasyon?
Maraming salamat. Malaking tulong po ito para sa akin.

lukekyle


Reclusion Perpetua

1. ang pinirmahan mo ay hindi position kundi situation. if stockholder ka ibig sabihin ikaw ay may ari at hindi empleyado, so wala kang trabaho kundi merong pag aari. (unless pinapirma ka rin ng trust agreement na nagsasabi na ipinapangalan lang sayo ang shares at hindi ito talaga sayo)
2. so malinaw na wala kang sahod. ano ang nirereklamo mo?
3. as long as walang trust agreement pwede mo angkinin yung shares na nakapangalan sayo
4. yes tama lang nag humingi ng kaliwanagan
5. wala kung ayaw nyang ihire ang asawa mo wala kang magagawa

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum