gusto ko po manghingi ng legal advice
tungkol po ito sa Ate ko at asawa nia na foreigner (Japanese).
May anak po sila nagiisa na lalaki 9 yrs old na , 12 years na sila nagsasama at kasal sila.
Kasama po nila ako nakatira sa iisang bahay.
Madalas po nasasaktan nia ate ko pisikal (sakal, suntok) sa tuwing mainit ulo nia sa ibang bagay nadadamay kapatid ko.
Nung March 2017 ung pinaka matindi nasa loob sila ng sasakyan kasama ng asawa at anak nia, bigla uminit ulo ng asawa nia muntik na sila bumangga at pagdating sa bahay sinaktan sya pati anak nia lumabas ung bata nanghihingi ng tulong kasi nakita nia na may hawak na na baril tatay nia.
At eto Nov 28 , 2017 nasaktan nia ule ate ko sinakal nia tapos nakikipaghiwalay na sa kanya asawa niang hapon sabi sa weekdays daw sa kanya ung bata at pag weekend lang nasa nanay.
Sana po matulungan nio ate ko paano ung legal na gagawin para makasuhan asawa nia at mapunta sa pangangalaga nia anak nia pag naghiwalay sila?
Thanks in advance