Advice naman po. Di po ako rehistradong contructor at di rin po ako engineer. Ngayon po ay may nagpagawa po sa akin ng bahay, may mga tao ako na sinuwelduhan ko para tulungan ako. Ginawaan ko po ngayon ng bahay ang cliente ko, may building permit po ang bahay na ito. Tapos, yung ginawaan ko ng bahay ay binenta po ito, may mga problema na lumitaw sa bahay after 2 years. Yung nakabili ng bahay sa cliente ko eh gustong ipaayos nya sa akin ang bahay nya ng libre kasi ako daw ang gumawa nun... kung di ko daw gagawin eh kakasuhan nya ako. Ano po ang dapat kong gawin???
Free Legal Advice Philippines