I kokonsulta ko lang po ang kaso ko..Me nabili po akong property na tax declaration pa lang sha. Ung tax declaration po ay nakapangalan sa lalaki na patay na. Ibenenta po sa akin ng asawang babae yung lupa at hinand-over sa akin ang tax declaration with deeds of sale. Nun binili ko po, bnyaran ko po ang asawa ng nakapangalan na may ari at ang kanilang mga anak. lahat po ng anak at pumirma. Ngayun po na ipapatitulohan ko ang lupa ay lumitaw po ang mga anak sa labas, at kinukuha ang tax declaration. Ang tanong ko po, ako po ba ang dapat habulin ng mga anak sa labas o ang pamilya po na nagbenta po sa akin ng lupa? Ihohold po ba ang lupa o pwede ko pa ring asikasuhin ung lupa pending yung paghahabol ng mga anak sa labas?
maraming salamat po sa advice nyo..
Last edited by jonath22 on Mon Nov 27, 2017 6:41 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : too long title and text messages like letter)