I am a mom of 4, at may asawa na di ko naman masasabi na ganoon sya kasama, kasi unfair para sa kanya, diko po sinasabi at masasabi na mabuting asawa rin ako dahil alam ko na may mga pagkukulang din ako sa kanya.
Nag start (1997) po ang away namin on and off dati when I was still in the Philippines, sa ngayon po kasi nag ta trabaho nako overseas dito sa Saudi Arabia, di rin kasi kalakihan ang sahod kaya naghanap ng makakapag payo sakin ng libre, pasensya napo.
Kung gusto nyong malaman ang buong detalye ay willing naman po akong i kwento pero kung ayaw nyo eh ang tanong ko nalang po ang babanggitin ko, hiniwalayan nya ako ng makapunta nako dito sa Saudi January 2006, ako nakapunta at pagdating ng September 2006 ay nakatanggap napo ako ng tawag mula sa kanya na hiwalay na raw po kami. Ako ang mag isang tumaguyod ng mga bata buhat ng Feb. 2006 hanggang March 2009 na hiniling nyang bumalik, at dahil na rin po sa pagmamahal ko sa mga anak ko eh tinanggap ko sya. At naging ok naman sa simula kc pinagawa nya ang bahay namin (dinagdagan ang pera ko pangpagawa ng bahay), pero madalas pa rin po kaming mag away. Financially on and off this 2009 6 months sya nagpadala at after noon ako na. Ilang araw na kaming nag aaway hanggang sa umabot na sa tinakot na nya akong papatayin kaya naka pag desisyon akong humiwalay na.
Ang tanong ko po, ano ang dapat kong maging hakbang at saan ako kukuha ng tulong para di na nya ako o kami guluhin ng mga anak ko, at kung matuluyan ang paghihiwalay may karapatan ba ako sa mga anak ko ing full custody at pwede ba akong humingi nga financial support para sa kanila?
Kumpleto ang mga sms nya ng pagmumura at panlalait sa pagkatao ko na mga si ne send nya by yahoo messenger offline kaya po na i copy paste ko sa MS word, kaya kung hahantong sa korte ang usapan may mga ebidensya akong magpapatunay na ako ay psychological tortured, kaya ako nakapag desisyon na humiwalay na sa kanya.
Sana po any matulungan nyo ako. ang maraming salamat po.
Looking forward of your answer...
God bless.[i]