Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Need Legal Advice (Transfer of Title)

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Need Legal Advice (Transfer of Title) Empty Need Legal Advice (Transfer of Title) Sat Nov 04, 2017 9:44 am

rhonbongalos


Arresto Menor

Ganito po yun. Noong May 2012 isinanla ko po ang titulo ko na may sukat na 1000sqm sa halagang 200,000pesos at interest na pitong porsyento kada buwan na aking gagamitin para sa pang placement fee sa aking pag-aabroad. Dalawang buwan lamang ang aking nahulugan dahil naloko ako ng agent. Nakiusap kami na bigyan kami ng palugit para mabayaran namin ang aming utang. Naisip namin na ibenta na lang ang lupa para makabayad. Pumayag naman ang inutangan namin.Ngunit lumipas pa ang ilang taon ay hindi kami nakakuha ng buyer.Nakiusap muli kami pero ayaw na kaming kausapan ng inutangan namin.
At noong April 2016 nalaman namin sa Accesor office na nakapangalan na ito sa aming pinagsanglaan.
Nalaman namin na Noong January 2016'ay gumawa sila ng Deed of Aboslute Sale sa Notary Office sa Queson City. Na may pekeng pirma ko.

*Lumapit kami sa Pao para humingi ng tulong at hindi naman nila kami binigo ang advice saamin ay pumunta sa registry of deeds para patatakan ng adverse claim ang titulo.
*Tama po ba ito?
*Hindi po ba ito magagalaw hanggat hindi pa kami nagkakaroon ng hearing?
*At ano po ang pwedeng ikaso sa amin ng pinagsanglaan? Dahil after daw po namin mag demanda sila naman daw po ang magdedemanda sa amin.

Maraming salamat po

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum