yung kapatid ko pong babae, may ka live in na australian, late 20s po o early 30s ang edad, PWD po, nakawheelchair at may maintenance na gamot dahil sa car accident. almost 1 year napo sila nagsasama, pinagsisilbihan po sya ng kapatid ko, nitong huli na lang po namin nalaman na sinasaktan nya yung kapatid ko pag meron silang di napapagkasunduan, dina daw nya talaga matiis at isa pa ayaw nya ipaalam samin dahil baka kung ano daw gawin namin. may mga naitago po ang kapatid ko na medico legal at voice recording kung pano xa murahin at insultuhin, gusto po ng kapatid ko at kami na rin na makipaghiwalay na at sampahan ng kaso. nagpunta na po sila sa womens desk sa presinto sa naga city pero naguguluhan po kami dahil ang sabi daw ng pulis kelangan pa magpa schedule para makapagfile ng kaso, hindi pa rin po siya kinuhanan ng affidavit sa presinto, iblinotter lang.. gusto ko lang po sana humingi ng advice kung paano mapabilis na masampahan ng kaso ang taong yun, kung ano ba ang tamang proseso? hanggang ngayon po nakikisama pa siya sa lalake na yun, hindi kasi maiwan dahil wala magaasikaso. sobrang naaawa na po ako sa kapatid ko sana po matulungan nyo kami..