Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Can we file a case to the Developer

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Can we file a case to the Developer Empty Can we file a case to the Developer Thu Oct 19, 2017 1:47 pm

LiAngelo


Arresto Menor

Good day!

Gusto ko lang sana malaman if pwede po ba kami mag file ng case sa Developer namin.

Bumili kami ng lupa't bahay last December 2014 pero bago kami nagbayad sinecure namin kung pwede ito ma loan sa Pag-ibig. Sabi ng manager at broker, pwede daw at sila magprocess nang papers namin. March 2015, binigay namin mga papeles namin para ma process ang loan. Nakatapos na kami magbayad ng equity hindi pa rin nila na process ang loan namin. June 2015, sinabihan kami ng manager na kailangan namin magbayad. Sabi namin bakit? Sabi nila kasi hindi naman namin alam kung magkano ang ipahiram ng Pag-ibig. May 2016, ng stop kami magbayad kasi gusto namin na kami na mismo magprocess ng papers namin. Nag try kami humingi ng tulong sa PAO kung ano dapat gawin. Kaso pagpunta ko sa PAO dala ko lng yung title at resibo. Ang nakapangalan sa title iba. Sabi ng PAO lawyer bakit daw ako ngbayad. Hiningi kung ano kasunduan ng bank na nakapangalan sa title at ng developer namin at hiningi ang Contract to Sell. Hindi pa po ako binigyan ng CTS nun kasi hindi pa nila napa notarize sa Abogado nila. Hindi na po ako nakabalik sa PAO. June 2016, na transfer sa name ng developer ang name sa title. Nahirapan ako magprocess ng Pag-ibig loan kasi ang nakapangalan sa papers nila sa City Hall ay iba. Hindi din naka declare na may bahay na ang lupa. October 2016, na approve na ang loan namin sa Pag-ibig. Hindi ma push through kasi may kulang kami na 100k na interest sa mga buwan na hindi kami magbayad. Nag try kami makipag-usap kung ano ang pwede namin gawin. Kaso sabi ng boss nila na kailangan namin bayaran ang whole amount. March 2017, advise ng developer na magloan sa NHMFC. Binigay namin mga papers namin. July 2017, binigyan kami nila ng quotation ng amount na pwede ipahiram sa amin ng NHMFC ngunit may kulang kami na 100k. Tinanung namin bakit 100k. Hanggang sa naging 23k na lng ang babayaran namin. Kaso after 2 weeks may bago naman silang Quotations na ibinigay sa amin. Dahil sa pabago-bago ng amount na binigay nila sa amin. Humingi kami ng tulong sa HLURB. September 2017, first meeting namin sa HLURB. Binigyan kami nila ng proposal, meron kaming almost 200k na interest na babayaran. Sabi ng Atty ng HLURB, pag-isipan daw namin ang proposal. October 2017, 2nd meeting namin sa HLURB. Ngayon 3 na kami ng rereklamo. Nanghihinayang kami sa 200k na interest na hinihingi nila na may isa kaming kapitbahay na hindi man lang nila hiningian ng interest at nakatira naman sa bahay matagal na. Sabi ni Atty na bibigyan kami ng another chance ba makipag-usap sa boss nila. Na approve na po ang loan namin sa NHMFC. Kaso natatakot mag sign ng legal docs baka hindi na ako matutulungan ng HLURB. Nag try po ako ulit makipag-usap sa President ng companya kung pwede bigyan kami ng discount sa interest. Hindi po ako binigyan, ang sabi pa mag start daw sila ulit ng interest at padadalhan kami ng letter sa abogado nila at papaalisin sa bahay. Tapos sabi nila na magfile na lang kami ng kaso at matatalo daw po kami. November pa ang next meeting namin sa HLURB. Hindi ko po alam kung ano ang gagawin kasi may part sa CTS na kailangan kami magbayad hanggat hindi pa na takeout ang pera sa financing institutions.

Ano po ba ang dapat naming gawin?

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum