Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Qualified Theft

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Qualified Theft Empty Qualified Theft Thu Oct 19, 2017 8:53 am

precious012726


Arresto Menor

Hi Good Day!

Ask lang po sana ako ng legal advise kung anu po ang dapat kong gawin. Kasi kinasuhan po ako ng dati kong employer ng Qualified theft last july 2017 natanggap po nmin ang resolution yesterday October 18, 2017. Hindi ko po masyadong naiintidihan ung procedure at ung nakalagay dun pero ang malinaw ay tuloy ang kaso iniakyat na sa korte. tapos po agad din kami pumunta sa RTC ang sabi po sa amin dun ay for raffle pa daw po ung case kung kaninung judge mapupunta ung case. Saka dagdag ko na din po na nakalagay din po dun sa resolution na no bail recommended. Almost half a million po ung pinag uusapan na amount ( 450,000 plus).

Thanks po at sana po malaman naming ung dapat nmin gawin. Ang sabi po kasi iisuehan na ako ng warrant of arrest after po nun.

2Qualified Theft Empty Re: Qualified Theft Thu Oct 19, 2017 11:34 am

precious012726


Arresto Menor

Hi,

Ako po ay empleyado duon dati bilang Accounts payable Specialist na isa po sa aking ginagawa ay mag print po ng cheke base po sa approved amount and payee po. Ang sabi po nila may mga ilang checks daw po na iba ung amount base daw po sa record nila ang sagot ko naman po ay hindi naman po ako pedeng gumawa ng cheke na hindi nyo po aprubado ang amount ang kung sino ang payee at after ko po I print ang cheke ay dumadaan po ito sa dalawang tao bago pa po mapirmahan ng signatory ( ung dalawang pong tao na un ay ang aming accounting supervisor at ang admin manager na asawa po ng aming check signatory na isa po sa mga board of directors). Sabi ko po ay meron po iyon kumpletong dokumento pede po nilang ma double check dun para po makasigurado sila pero nung hinahanap na po naming ang dokumento ay hindi na po nmin Makita pero ito po ay nasa pangangalaga nila kaya impossible pong mawala.
Tinawagan po ako ng isang board of directors na dapat daw ay hindi ako kinasuhan dahil hindi naman daw po sila pumirma sa board resolution na tinatalaga nila ang isang tao para mag file ng case against sa akin dahil wala naman po silang sapat na pruweba pero tinuloy pa din po ang kaso at eto na po ung resolution na dumating. Ang worry ko po kasi ay baka issuehan na ako ng warrant dahil as per po dun nakalagay no bail recommended.

Wala po akong kinuha kahit magkanu sa kanila.

Sana po ay matulungan nyo ako nahihirapan na po ako lumaban dahil wala po akong kakayahan financially. Hindi ko po kayang kumuha ng private atty para po sa kaso kong ito.

3Qualified Theft Empty Re: Qualified Theft Thu Oct 19, 2017 12:50 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

sumangguni ka na sa abogado kung nasaan ka since kinasuhan ka na. kung indigent ka, lumapit ka sa PAO.

4Qualified Theft Empty Re: Qualified Theft Thu Oct 19, 2017 1:11 pm

precious012726


Arresto Menor

Opo sir lumapit na po ako sa PAO for review pa nila ung case balik daw po ako sa Monday. Ang sabi naman po samin sa RTC office sa Monday daw baka ma raffle na ung case kung sinong judge ung hahawak then after daw po nun 3days lang iisuehan na daw ako ng warrant. Ganun po ba tlaga un saka po sobrang bilis last June 2017 lang po un naifile tapos po nag hearing po kami sa fiscal's office natapos po last july 2017 ang sabi po samin submitted for resolution na then un po nareceived ko po kahapon ung resolution almost three months lang iniaandar ng case. Ang sabi po kasi ng isang lawyer na napagtanungan ko po aabot daw po ng isang taon un kaya po pede pa po ako makapaghanap ng atty na hahawak ng case ko.
Tama po ba ung sinabi nila sa akin na after ma raffle ung case sa judge na hahawak after 3days lang po ilalabas ang warrant?
Salamat po. Sana po mabigyan nyo ako ng idea kasi sobrang hirap po mag assume ng next step.

5Qualified Theft Empty Re: Qualified Theft Thu Oct 19, 2017 5:20 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

yung judge lang na makakahawak ng kaso mo yung magdedecide sa pag issue ng warrant. irrelevant kung ano man ang sabihin ng mga tao dito. i would suggest dun sa abogado na makukuha mo discuss yung kaso.

6Qualified Theft Empty Re: Qualified Theft Thu Oct 19, 2017 5:33 pm

precious012726


Arresto Menor

Hi Sir,

Ask ko lang din po sana kung gaanu po katagal lumabas ung decision na un ng judge na hahawak ng kaso?

Thanks po.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum