Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

QUALIFIED THEFT

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1QUALIFIED THEFT  Empty QUALIFIED THEFT Thu Oct 05, 2017 5:46 am

dromero


Arresto Menor

Gud pm Atty.
Magbabakasakali lang po magtanong for a friend. Former employee po sya sa isang branch ng Globe Telecom sa isang mall for almost 2 yrs din po. This happened daw po between March-May 2017. Ang kwento po nya, she and her branch manager committed fraud gamit ang sistema ng globe para mag-modify ng account at taasan ang sarili nilang credit limit pagkatapos po ay nirelease-an nila ang kanilang sarili ng tig isang iPhone7. Maliban po dun, gamit din po ang system ng globe, nag fund transfer din daw po sila galing sa mga cancelled account ng globe papunta sa mga sarili nilang globe account para palabasin sa system ng globe na sobra-sobra ang payment nila at hindi na nila kailanganin na magbayad ng monthly bill sa globe. Fast forward, kalagitnaan daw po ng may 2017 ng nadiskubre ng management yung mga fraudulent transactions nila. Kaya po nag AWOL na po sila. Last month po ay nagpunta na sya sa ibang bansa para doon daw po maghanap ng trabaho. Pero kahit nasa ibang bansa na po sya ay kwinento nya saakin na yung operations manager ay nag communicate daw sakanila at sinabi daw po na IBALIK NA LANG ANG IPHONE7 NA NASA POSSESION NILA kung hindi ay kakasuhan daw po sila ng QUALIFIED THEFT. Kaya po natatakot daw po sya kung anong mangyayari. Iniwan daw po kasi ng friend ko yung iPhone7 niya sa kuya nya dito sa pilipinas at ngayon dap o ay ayaw na isauli ng kuya niya kahit na may demand letter na from globe.

Ang mga tanong nya po saakin ay base daw po sa ginawa nila;

1)ano-ano daw po ba ang mga posibleng kaharapin nilang kaso?

2)kung kasuhan daw po ba sila ng qualified theft, maipapa-deport daw po ba sya ngayong nasa ibang bansa (QATAR) na sya?

3)Magkakaroon din daw po ba ng pananagutan ang kuya niya na pinag-iwanan nya ng iPhone7 na sa ngayon ay ayaw daw po isauli yung unit kahit may demand letter na from the company?


Thank you in advance Atty.. Naaawa din po kasi ako sa friend ko. Pinapayuhan ko po kasi na gawin na lang ang tama. Pero yung mga tungkol po sa kaso hindi ko masagot kaya nanghingi po ako ng opinyon ninyo. God bless po!

2QUALIFIED THEFT  Empty Re: QUALIFIED THEFT Thu Oct 05, 2017 12:56 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

1. qualified theft at kung ano pa ang makita ni company na pwede.
2. hindi pero once na tumongtong sya ng pinas, dun sya mapapanagot. pwedeng sa immigrations palang harangin na sya.
3. wala

btw, kung makikipag settle sila at susunod sa demands ni globe, don't forget to have everything in writing para hindi maipit sa huli.

3QUALIFIED THEFT  Empty Re: QUALIFIED THEFT Thu Oct 05, 2017 4:48 pm

lukekyle


Reclusion Perpetua

3. If it can be proven that he is in possession and he refuses to return said item, he can be charged with anti-fencing law

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum