June po ngayong taon ng pumirma ako ng isang taong kontrata, sa kasamaang palad, nawalan po ako ng trabaho nung August , kaya naisipan ko na maghanap na lang ng mas murang tirahan.
Nagbigay po ako ng 2 buwang deposito at isang buwang advance, ang gusto ko po sana ay maghanap ng ibang taong magpapatuloy ng kontrata ko ng sa gayon ay maibalik sakin kahit papano ang natitira ko pang deposito.
Tama po ba ang plano ko? May kaso po kaya akong kakaharapin kunsakaling ituloy ko ang mga nabuo? Ano ho kaya ang pinaka-karapat dapat kong gawin?