Hello po, actually gusto ko lang ng tamang explanation for our case. May 27 nang ma employ ako as probationary , dalawa palang kaming probationary noon. Every cut off walang payslip na binibigay. Pero pinapapirma kami. Then nag hire sila ulit, total of 8 probationary employees na kami. August, may pinaprepare saking mga contracts, contracts naming mga babies but as On-the-job trainee na with the same date of employment period, same duties and salary. Ayaw kong pumirma that time but I have to dahil kailangan ko ng trabaho at hinahabol ko cash bond ko. Well yeah, ojt na ko pero may cash bond parin. Tapos hindi narin kami entitled sa holiday pay unlike before nung probz pa kami. Ang bigat na sa loob e, 4 months palang ako, and matatapos na contract ko this November, gusto ko bago ako tuluyang umalis maexplain ko side ko sa employer, kasi according sa pinapakita nila, ang alam nila is hindi namin alam rights namin. According sa case ko gaano po karami ang violation nila?