Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Bank account

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Bank account Empty Bank account Sun Sep 03, 2017 4:57 am

iamjnnlyn


Arresto Menor

Goodevening po. Tatanong ko lang po sana kung anong dapat gawin. Ganito po kasi yon. Nagtatrabaho ako dati sa online job. Gusto ng boss ko noon na mag open ako ng bank account sa bdo dahil nga may pangalan ako sa online job pero sila ang maghahawak ng atm dahil sila ang nagpapa sweldo sakin. Bali foreigner ang mga client at dun sa atm na yon magpapadala ng pera. Kaya ang gusto nila sila ang magkakapit dahil hindi nila binibigay ng buo ang sweldong pinapadala doon. Kung anong rate lang ang napag usapan namen ganon lang ang ibibigay nila. Tumagal ako ng tatlong taon sa trabahong iyon. Hanggang sa natanggal ako. Nung tinanggal nila ako ay kinukuha ko na sa kanila ang atm ko upang magamit ko. Ayaw nila ibigay ito dahil ginagamit pa daw nila. At nagbanta pa na huwag silang iipitin dahil hindi ko daw alam ang kaya nilang gawin. Sa makatuwid ay ginagamit pa rin nila ang pangalan ko sa online job at pinagkakakitaan kahit hindi na ako sa kanila nag tatrabaho. Tumagal ang ilang buwan na hindi na ako nag tatrabaho sa kanila dahil may bago na akong trabaho kaya naman naisip ko na kung ayaw nila ibigay saken ang atm ko ay ako nalang ang gagawa ng paraan para hindi na nila ito magamit. Pumunta ako sa banko at sinabi ko na nawawala ang atm ko upang mapalitan ng bago. Makalipas ang isang linggo ay nakuha ko na ang atm ko at sigurado akong naka block na yung atm na nasa kanila. Nang makita ko ang balance ay may laman itong 8,000. Hindi ko na lang sinabi sa kanila dahil alam kong magagalit sila kapag nalaman na pinapalitan ko ang atm. Pagkalipas naman ng isang buwan ay hindi ko inaasahan na may pumasok na malaking pera sa account ko sa banko. Malamang ito ay dahil sa ginagamit pa rin nila ang pangalan ko at pinagkakakitaan. Nung una ay hindi ko ito ginagalaw. Pero dumating yung time na kinailangan ko ng pera at nagalaw ko ang pera na nasa atm card ko. Ngayon ay kinukulit nila ako na samahan sila sa banko dahil hindi nila makuha yung pera na nasa atm card na hawak nila dahil hindi nila alam na pinapalitan ko ito. Kaya naman hindi ko na alam ang gagawin ko dahil balak na nilang ipa barangay ako. Hindi ko naman intensyon na gastusin iyon ngunit kinailangan ko lang talaga. Ang intensyon ko lang nung una ay para hindi na nila magamit ang pangalan kung ano man ang ginagawa nila.

2Bank account Empty Re: Bank account Tue Sep 05, 2017 3:35 pm

iamjnnlyn


Arresto Menor

Paano po yun? E galit na galit sila saken. Binabantaan pa ako na baka daw sagasaan pag nakita sa daan. At alam kong sasampahan nila ako ng kaso kapag sinabe kong nagastos ko. Hindi ko rin naman po expected na magkakaroon ng laman yung atm na hawak ko. Anu po kaya ang pwede nilang ikaso saken? E sa akin naman po nakapangalan yung atm. Pati alam kong ilegal ang ginagawa nila. Kaya ginusto ko na din mawala yung pangalan ko sa kanila. Dahil ginagamit nila lahat ng pangalan ng nagtatrabaho sa kanila. Ang alam ng mga foreigner na client ang kausap nila ay yung tao na nakapangalan pero sila lang talaga ang totoong nakikipag usap. Madami na silang hawak na tao sa trabaho. Pinagkakakitaan nila yung mga tauhan nila at higit sa lahat nakikialam sila ng privacy ng ibang tao. Lahat ng facebook account ng nagttrabaho sa kanila ay nabubuksan nila kahit yung sa akin ay nabubuksan pa rin kahit matagal na akong hindi nagtatrabaho sa kanila.

3Bank account Empty Re: Bank account Tue Sep 05, 2017 3:38 pm

iamjnnlyn


Arresto Menor

Kagaya na lamang noong nag tatrabaho ako sa kanila may pinagamit sila saken na account na hindi sa akin nakapangalan. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit yon ang pinagamit saken pero pumayag na ako dahil sila ang magpapa sweldo saken. Hanggang isang araw tinanggal nila ako sa trabaho dahil niresign na yung account na gamit ko. At nalaman ko na kaya pala niresign dahil muntik na makasuhan ng client yung pangalan na gamit ko at hindi ito alam ng tunay na may ari ng pangalan na makakasuhan na ang pangalan nya.

4Bank account Empty Re: Bank account Tue Sep 05, 2017 6:08 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

dapat ipinasara mo na lang yung account mo at ibinalik yung pera nila. siguro naman na alam mo na mali yung pag gastos ng pera na hindi naman sayo. oo may chance na hindi nila padaanin sa legal na proseso yung pagbawi ng pera sayo since wala naman silang legal na habol sayo, pero kung sanay sila na gumawa ng illegal, gano ka kasigurado na di ka nila babalikan?

imho, try to find a way para mabalik lahat ng pera nila at close mo na yung account na hawak nila para wala ka na isipin.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum