may lolo po ako (patay na), nagkaroon po siya ng pangalawang asawa(kabit). pero hindi pa po sila hiwalay that time ng lola ko(original na asawa).
ngayon, patay na ang lolo ko at lola ko.
ang problema, may bahay at lupa po ang lolo ko pero nakapangalan ang titulo ng lupa sa lolo ko at kabit nya. Ang mga anak ng kabit ni lolo ay nagcclaim na sa nanay daw nila ang bahay at kasal daw ang nanay nila sa lolo ko. mas may karapatan daw sila sa bahay. at 50% daw mapupunta sa nanay nila at ang 50% paghahatian daw ng lahat ng anak.
ano po ba pede gawin ng mga anak ng lolo ko sa original nya na asawa? pede po bang mapa null and void ang name ng kabit sa titulo? ano po ba magiging hatian?
salamat po.