Salamat po, nabasahan na po ng desisyon ang parents ko at acquitted po sila sa kasong estafa ngunit pinagbabayad pa rin po sila ng danyos,parang lumalabas na civil case lamang po ang kaso. Wala naman pong panlolokong ginawa ang parents ko, ang nangyari po kasi pinalabas ng kabilang panig na may utang ang mga magulang ko na halagang 75,000 pesos,gayung 30,000 lamang po ito. At ang nasabi rin namang halaga ay bayad na rin dahil binigay na namin sa kanila ang 10 baboy at 15 bultong bigas at kaunting pagkakautang nila sa aming tindahan. At ayaw po nilang aminin ang mga iyon bagamat may testigo po kami na iyon ay nakuha na at ang testigo ay ang mismong kumuha sa amin. Sa ngayon po ay aapela kami sa court of appeals dahil pinagbabayad pa kami ng danyos. Maituturing po ba na Estafa yun gayong may pag-amin naman sa part ng parents ko na may pera nga na involved ngunit iyon ay bayad na po?