Magandang araw po may nais lang po akong isangguni, May Boyfriend po ako ng matagal na panahon pareho po kaming nagtrabaho sa ibang bansa(magkaibang bansa po kami)ngunit kalaunan ay nagkalabuan, nagkaron po ako ng karelasyon sa ibang bansa at nabuntis umuwi po ako sa pinas at nag usap kami ng dati kong boyfriend ang sabi po nya ay handa nya akong tanggapin at panagutan,at sa susunod na taon po ay pakakasalan na nya ako, so nakipaghiwalay na po ako sa ama ng anak ko, ngayon po ilang linggo na akong nakapanganak nakahanda na din pong iparehistro ang birth certificate ng bata na gamit ang apelyedo ng aking boyfriend, Ang problema ko po ngayon ay biglang sumulpot ang ama ng aking anak at pilit na pinapatanggal ang apelyedo ng aking boyfriend gusto po nya at ng pamilya nila na apelyedo nila ang gamitin ng bata kung hindi ko daw po gagawin ay makakarating kami sa husgado, anu po kaya ang nararapat kong gawin ?