Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

ANNULMENT-PROPERTY AND CHILD CUSTODY

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1ANNULMENT-PROPERTY AND CHILD CUSTODY Empty ANNULMENT-PROPERTY AND CHILD CUSTODY Tue Aug 15, 2017 4:06 pm

urmysong


Arresto Menor

Hello Atty,
Married po ako sa isang canadian citizen dito sa Pilipinas for almost 10 years now. I met him in dating site when I was 18 and he was 46. I never had boyfriend before him and nahulog loob ko sa kanya dahil he was so sweet and gentleman. We got married September 25, 2007. May anak po kami isa 5 year old. First couple of years, magkasama lang kami ng 1 month tapos balik ulit sa Canada to work. Then next few years, 4 months sya with me and balik ulit sa Canada for 8 months. Hiniwalayan nya po ako noong March 15, 2016 dahil lang po nag o-open up ako sa kanya for how much he is changed. He became a drunk man nang lumipat na kami sa sarili naming bahay around year 2011. Noong nasa rented house pa kami, he used to drink 2 to 3 small beers (pilsen). There was a time that he kissed another woman when he was drunk, yung babae po ay pinaglilinis namin yun sa other room ng bahay namin. I saw it with my two eyes pero sya lang naman ang humalik sa babae, todo ayaw naman talaga sa babae pero nasaktan pa rin ako. Sinabihan ko sya na dapat i-minimize nya yung alcohol niya kasi he likes kissing another woman when he is drunk. At masakit na salita sa akin pag lasing sya tulad ng " I just want to have fun with somebody else in bed cause wife is always". Tumigil po sya sa pag inom pero hindi na sya masaya. Madali syang magalit, he always find wrong of whatever I do and say. Pag may kinagalitan sya, umaalis sya ng bahay na walang paalam. No reply sa text and not answering calls. Pagbalik nya sa bahay pag tanungin ko sya kung saan sya galing, sasabihin lang nya sa akin na "you worried too much". Pag mag o-open up ako sa kanya of how I feel, sasabihin naman nya sa akin "stop complaining you have good life". Kaya last february 2016, nag o-open up ako sa kanya through email dahil nasa canada sya working and to my surprise he decided to separate from me.
May sasakyan po kami na nakapangalan sa akin. May beach house din po kami na nakapangalan sa akin pero may married to ___. Then about september 2016, he degraded me for being nothing, for being a factory worker, that I had nothing before we meet. Nanliit ako sa sarili ko dahil totoo walang wala ako noon kasi nga factory worker lang ako. He offered me that he will make me a small house dahil dapat daw sa kanya yung bahay kasi wala akong pera na ginastos para dun. He made me to resign my job as a factroy worker kasi pinaapply nya ako sa canada for tourist na hindi naman na approve. Hindi rin na approve ang spousal visa namin at hindi siya nag appeal to fight it. He decided to live in Philippines. Ayoko sana dahil gusto ko palagi kaming magkasama. Pero sabi niya, kung ayaw ko daw, we have to get divorce. Kaya wala akong nagawa kundi sumang ayon sa kanya to stay in Ph. I never been to Canada. Since then, hindi na ako nakapag work ulit dahil ayaw nya akong mag work at ayaw din nyang mag aral ako sa college dahil for what daw, mayaman daw ako pag sya ay namatay. So walang wala talaga ako. Plain housewife lang. Walang sariling pera. Wala din po akong sariling savings kasi yung pera na sinisend nya sa akin, pag meron nang laman ang account ko, umuwi sya ng cebu at yun ang ginagamit namin sa pag stay home nya at sa pagpapatayo ng paunti unti sa bahay namin. Naka depende lang ako sa kanya sa lahat lalo na sa financial. Since he broke up with me, the account was empty and he just send me 20k a month as support for me and my son. Nag aaply ako ng work pero walang tumanggap sa akin dahil seguro I am 29 year old already and only had 2 months working experience in the factory and only high school graduate. Kaya ina-accept ko ang offer nya na pagawan nya ako ng maliit na bahay at sa akin ang sasakyan at 20k monthly support. Pero sa agreement ko na hindi ako mag move out sa marital house namin kapag hindi tapos ang bahay na maliit. Pero he messaged me if they can stay for 2 weeks in our house at dun lang daw ako matulog sa tabi ng anak namin at sila ay mag stay sa other room. Tinanong ko sya kung sino sila. At sagot nya sa akin, na siya, at ang babae at anak ng babae. Dahil single mother itong babae nya. Nasaktan ako dahil kahit kunting respeto lang bilang babae at asawa nya, parang wala na kasi dalhin nya ang babae nya sa bahay namin kahit andun pa ako. So napag isip-isip ko na ayoko na. Hindi ko na tinuloy ang pagtanggap sa offer nya. Pero may na assume na kami sa pag ibig housing, na yun dapat ang irerenovate nya para sa akin. Yung pag ibig housing po na ina assume namin for 210k. Tapos paying monthly sa pag ibig 3200 for the balance. Dahil hindi ko na tinuloy yun, hindi ako nag move out sa marital house namin. Hindi na rin sya sumusuporta sa amin ng anak ko sa february and march 2017 and 6k lang yung support nya sa amin for april 2017. Pero bumili sya ng grocery sa month of april. May 2017, I filed case economic abuse and psychological abuse. Pero he asked me to cancel it dahil magsama ulit kami and that he will bring the money back home. And he promised me that he will support.
So I file for desistance kasi nag promise sya sa akin na susuporta sya. Nakipagbalikan sya sa akin at tinanggap ko siya kasi I never wanted broken family. Pero kinaumagahan, tinanong ko sya kung nasaan ang babae. He said that she is still in the rented apartment, that he cannot just give up with her. Nasaktan ako kasi akala ko nakipagbalikan sya sa akin na wala na sila ng babae pero sila pa rin pala. Kaya sinabi ko sa kanya ayoko nalang makipagbalikan kasi ayoko ng ganung set up na we get back together and at the same time sila pa rin sa kabila. I don't want my son to grow learning that set up.
June 2017, sumusuporta ulit sya at binayaran nya ng full ang school sa bata. Sa July po, hindi na ulit sya sumuporta sa amin. Ngayon august, bumili sya ng grocery lang. I asked him an annulment yesterday in email kasi wala na talagang patutunguhan since hindi sya maka give up sa iba. He replied nag file na daw sya ng annulment and that I can get notice from psychologist soon.
Ito po mga tanong ko Atty.

1. Mapupunta ba sa kanya ang bahay namin since totoo talaga na wala akong kahit na centavo na ginastos para dun kasi nga plain housewife and mother lang ako. Again, foreigner sya at may anak kami isa 5 year old.

2. Mapupunta din ba sa kanya ang anak namin kasi sabi niya dahil wala akong ibubuhay sa anak namin kasi wala akong trabaho. He can have child custody?

3. Ano kaya ang posibleng desisyon sa korte sa bahay namin, will the court decide to sell it and split in half? Posible ba na pwede sa amin lang ng anak ko ang bahay? Ayoko talaga ibenta ang bahay namin, walang wala ako, wala din akong savings.

4. Dahil wala syang suporta sa amin, pinabenta nya ang sasakyan namin worth about 500k. Hindi pa po ito sold. So binenta ko nalang din yung inaasume namin sa pag ibig dahil since January 2017, hindi na sya nagbayad ng 3200 for monthly mortgage. Kasi sa December 2016, nagdecide ako na hindi na mag move out sa marital house namin. Yung sister ko po ang nagbayad sa mortgage at sumusuporta sa amin ng anak ko sa mga months na hindi sumusuporta asawa ko sa amin. I sold it for 280k. Binayad ko po 80k sa sister ko sa mga utang ko sa kanya. Sa mga nabayad nya monthly sa pag ibig at sa pagsuporta nya sa amin.

5. I plan not to sell the car kasi kailangan ko ang sasakyan sa paghatid at sundo sa school ng anak ko. Sa place kasi namin, it takes long to get jeep in the morning kasi always full ang dumaan na jeep.
Can he forced me to sell the car?
Or should I sell the car para hindi masali ito to split in half?

6. Maapprove ba ang annulment dahil hinihingi ko sa kanya yun?

7. While the annulment is on going, dapat din ba na hindi sya mag susuporta sa amin dahil nakikipag annul na sya? So wala na rin ho ba akong karapatan na humingi ng suporta sa kanya kahit hindi pa kami annul? Kasi is on process pa lang yung annulment.

8. Ang land title po ay nakapangalan sa akin but I understand it is conjugal. Pero hindi pwede makapag ari ang foreigner ng land sa ating bansa, am i right?
Yung bahay po ay wala pa pong tax declaration. Pwede kaya niya maangkin to dahil ang foreigner can own house but not land?
Dapat ko bang pagawan na agad ng declaration ang bahay?

9. do I need lawyer kahit hindi ako ang nagpa annul?

Maraming maraming salamat po Atty.

2ANNULMENT-PROPERTY AND CHILD CUSTODY Empty Re: ANNULMENT-PROPERTY AND CHILD CUSTODY Tue Aug 15, 2017 8:15 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

1. hindi hati kayo since conjugal property to unless may prenuptial agreement kayo.
2. pwede, pero pwede din naman na shared custody kayo.
3. kung di kayo magkakasundo kung kanino to mapupunta, pwedeng utusan kayo na liquidate ang assets. kung ayaw mo mabenta, kakailanganin mo bayaran yung share nung asawa mo.
4. pwedeng consider na support yung pera na natanggap mo sa pagbenta ng sasakyan.
5. kung conjugal property ang sasakyan, both kayo may karapatan ditto kaya dapat unanimous kung ano man desisyon nyo. kung bebenta ito, dapat may makuha din share yung asawa mo.
6. depende kung may valid grounds kayo. discuss this with your lawyer.
7. hanggat kasal kayo, pwede ka humingi ng supporta.
8. pwede syang mag own thru you kasi nga kasal kayo. kahit ikaw nakapangalan dyan, since conjugal property to, kayong dalawa ang owner ng property.
9. hindi kung wala ka naman balak umapela.

3ANNULMENT-PROPERTY AND CHILD CUSTODY Empty Re: ANNULMENT-PROPERTY AND CHILD CUSTODY Wed Aug 16, 2017 7:12 am

urmysong


Arresto Menor

Salamat po Atty.
Nabasa ko kasi online na pwede ma waive yung part niya kasi siya ang nagloko. Siya ang umalis sa bahay namin at nagstay sa condo at sa apartment with the other woman since december 2016.
Salamat po.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum