Simula pagkabata ang gamit nyang pangalan ay MIGUEL REYES. Hanggang sa nakapag trabaho lahat ng documents sss, pagibig etc. Miguel Reyes ang nakasulat. Ang nanay nya ay si GLORIA REYES at ang tatay naman ay si DANNY REYES (deceased).
Ngayon po, kumuha kame ng birth certificate sa NSO dahil plano na namin magpakasal pero ang nakalagay sa NSO ay MIGUEL SANTOS. Nakarehistro din sa birthcertificate na ang nanay nya ay kasal sa ibang lalaki, kay JUAN SANTOS. Na kaylan man ay never pa nya nakilala or nakausap.
Ayon po sa nanay nya, dati daw nyang boyfriend si JUAN SANTOS at ang lola nya (nanay ng nanay nya ang naggulo sa birth certificate nya which is patay na po)
Tanong ko lang po, ano po kaya pwede gawin sa case ng partner ko?
Paano po kame makakapag pakasal ng iba ang apelyido nya at pano po ang mga documents nya?
Salamat po sa mga sasagot! God bless!