Nagtatrabaho po ako sa isang company for almost 2 years now. Last March, nag-apply ako sa ibang department (same company) and luckily natanggap ako.
March 20, 2017 po start date ko.
First problem, Pinapirma nila ako ng kontrata and job offer (realignment) 22,500 all in. tapos the next day, binawi po yung pinirmahan kong kontrata kasikailangan ko daw pong dumaan muna sa apprenticeship for 3 months. so another kontrata nanaman po. Bumalik sa dating offer sakin pero under ng apprenticeship. So pumirma po ako. (btw, ang explanation po nila para sa unang kontrata, nagkamali daw po sila. Wala po sakin yung contract kasi kinuha nila)
Second po, last May, nag-end contract ko, so renewal of contract po tas pinapirma po nila uli ako ng bagong job offer which is 22,500 po uli effective on June 2, 2017. up until now di parin po nag rereflect yung pinirmahan ko nung May.
Ang gusto nila, pumirma uli ako ng bagong contract, which is 19,000 all in. eh di panga po nagrereflect yung salary ko na pinirmahan ko nung May.
Ano pong magandang action ang gawin ko?
Salamat po ng marami.