I would like to seek an advice regarding sa pinaupahan namin bahay sa Cavite, na nahulian ng jumper sa mismo metro namin pero since nandito kami sa Manila nagtratrabaho ng asawa ko, hindi namin alam na may ganoon na pangyayari. Nakapangalan un sa asawa ko pero ung nangugupahan sa amin bigla nawala at nagtext na lang sa amin wala na sila sa bahay. Kinuha ung metro namin ng Meralco at nag-iwan ng demand letter na kailangan namin daw magbayad. March sila ng VOC o nag-inspect sa bahay, pero April and May may billing pang dumating. Ung tenant namin ang nakikipag-usap sa Meralco without our knowledge and consent. Tapos ngayon bigla sila nawala noong hindi na naayos ung problema. Kami owners daw ung hahabulin since kami ung nakapangalan sa metro. Tama po ba hindi na namin asikasohin ung metro at ipagbili na lang ung bahay at lupa? Kasi sabi ng nakausap ko sa Meralco hindi daw makakabitan ng panibagong metro ung bahay kahit iba na ung may-ari kaya mas mabuti daw na i-settle na lang namin ung bill kahit hindi kami ung gumawa at gumamit.
Salamat sa mga payo! :-)