Magandang araw po sa lahat.
Nakatira po kami ngayon sa bahay ng biyenan ko pero sa pagtatabi ng konti sa sahod, nakabili po ako ng 24 sq. mtr. sa may Litex. Sa December fully paid ko na at maibibigay na yung subdivided na title. Mga mahigit 10 kaming co-owners doon. Nitong nakaraang 2 linggo nang dumalaw ako ay nagulat ako kasi sa gilid ng pader ko na hollow blocks ay naglagay ng mga medyo malalaking bakal na katulad ng nilalagay sa loob ng hollow blocks, yung katapat ko ng bahay. Ang purpose nun ay sampayan at mataas na antennae ng tv. Bale nakabaon sa sementong pathwalk at nakawelding yung mga bakal tapos yung mga alambre nun ay nakabaon sa pagitan ng hollow blocks na me semento para nakakapit sa pader ko. Nung sinita ko ay nagalit at sinisingil ako kasi may dalawang taon na ngayon ay nagmagandang loob na nilagyan niya ng palitada na semento(2 inches ang taas) sa gilid yung pader ko na yun para pag malakas ang ulan ay di daw pasukin yung loob. Pero di ko naman siya nirequest sa kanya kasi pag me pera nga tsaka ko pinapagawa nang pakonti-konti. Yung tao kasi na yun ay naglider-lider doon at binabrag niya siya ang nagpasemento ng pathwalk palabas pero naninningil doon ng butao para sa mga ganitong pasilidad. Nung una, pinalampas ko na yung pinutol niya yung mga kahoy ko na pamakuan ng yero kasi para di ko na malagyan siguro ng yero yung gilid ng bahay ko, yun pala preparation para sa sampayan niya. Ang pagitan ng mga lote namin ay 2 meters na pathwalk lang. Ang tanong ko po sana sa mga abogado dito ay ano po ang mga karapatan ko sa batas tungkol sa mga yun at puede ka ba singilin ng isang taong astute na me foresight, pag binayaran ko gusto ko sana official at me basis yung presyo niya, anong hihingiin ko sa kanya.
Thanks in advance sa sasagot.
Ron