Hiwalay na po ako sa dating asawa ko. Nasa kanya po ang anak ko. Nagaaral po sya sa isang magandang eskwelahan. Simula po nung naghiwalay kami hindi po ako pumapalya magpadala buwan-buwan para sa allowance ng anak ko. Although may time na nalalate ng tatlo o limang araw ang mga padala ko. Hanggang sa nawalan ako ng trabaho sa loob ng dalawang taon pero tuloy pa din ang sustento ko buwan-buwan galing sa naipon ko. Paiba-iba ang halaga ng padala ko. Nung ok pa ang sahod ko malaki ang monthly na nabibigay ko. Hanggang nabawasan ito nung nawalan ako ng trabaho. Pero hindi po naapektuhan ang pagaaral ng anak ko. Sinubukan ko syang kausapin na ilipat ang anak ko sa mas murang tuition para hindi ako mahirapan financially pero hindi sya pumayag. Nung nagkaron ako ng panibagong trabaho mas mababa ang sahod ko starting ng 12,000 pesos lang kumpara nung dati. Kaya bumaba ang allowance na binibigay ko. Ipinapangutang ko na lang sa kapatid ko yung pangtuition ng anak ko dahil hindi sapat ang sahod ko. 50% ng sahod ko binibigay ko para sa allowance ng anak ko yung natitirang 50% pingkakasya ko na lang sa lahat ng pansarili kong gastusin ko. Hanggang nito lang po nakaraang araw may natanggap akong demand letter na humihingi sya ng dagdag at gawing 10,000 monthly. At sinsabi sa demand letter na tumigil akong mag-bigay ng sustento sa kanya simula nung March na hindi naman totoo dahil may katunayan ako na nghulog ako sa Mlhuillier noong March na ayaw nyang iclaim kase pinadadagdagan nya ito. Hanggang icalim ko na lang ulit ito para hindi maforfeit. Sa katunayan pumunta pa ako sa kanila para ibigay yung allowance ng anak ko pero pinagsasaraduhan nya ako ng gate at ayaw nyang tanggapin ang pera. Ano po ba ang pwede kong gawin na tugon para sa demand letter na natanggap ko.
Salamat po sa magiging tugon ninyo.