Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

MAY KARAPATAN BA AKO OR WALA SA ANCESTRAL HOUSE??

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

ChoyI


Arresto Menor

Magandang araw po.
Ako ay si Norben Garperio, taga Binangonan, 41 years old. hiwalay sa legal na asawa at nagkaroon ng kinasama sa loob ng 3 years at hiwalay na rin.

nuong year 2000 ay binigyan ako ng lupa at bahay. verbal at di ito nailipat ang tax dec sa pangalan ko. ang kuntador ng kuryente at tubig ay nakapangalan sakin. nuong 2003 ay naghiwalay kami ng asawa ko, nagdesisyon kami ng mama ko na ibenta na ang bahay.. 2005 ay nabenta ang bahay sa halagang 600k pesos. hiniram ng aking ina ang pera para tubosin ang ancestral house, kung saan kaming magkakapatid lumaki..

NGAYON patay na ang aming mga magulang.. dahil sa paghiwalay ko sa asawa ko at pagkakaroon ng kinasama ay napilitan akong pumirma ng kasunduan kasama ang lahat ng mga kapatid ko, na bibigyan ako ng lupa,. 1400sqm bilang kabuuan ng aking mana. bagay na pinirmahan ko at isa pang kasunduan na hindi na ako kukuha pa ng anuman sa mga naiwang property at hindi na muling makakatuntong sa ancestral house..

naisip ko po ngayon, naalala kong pera ko po ang pinangtubos sa ancestral house at ang ilang parte ng 600k na napagbentahan ng lupa at bahay ko nuon ay ibinayad sa credit card debt ng kapatid ko. Ang lahat ng iyan po ay alam ng mga kaanak at mga kapatid ko..
Ngayon na ako po ay mag-isa nang namumuhay nang pagala-gala, walang trabaho, pinabayaan ng kinakasama dahil naubos na ang pera.. May karapatan po ba akong angkinin ang ancestral house na natubos sa bangko gamit ang napagbentahan ng bahay at lupa ko nuon??

Kung POSIBLE PO na makuha ko ang ancestral house.. HANDA po akong magbigay ng hanggang 40% sa profit ng ancestral house at 40% sa danyos perwisyos kung meron... kung di pa sapat iyon kahit 50% sa worth ng house ay maibibigay ko.
balak ko pong ibenta ito kung makukuha ko at maninirahan sa malayong lugar upang magsimula ng panibagong buhay. Wala po akong pera ngayon at walang trabaho. hindi ko kayang magbayad ng cash sa abogado.. please reply ASAP.. kung saan-saan na po ako natutulog na parang taong-grasa. wala din po akong cellphone. Maraming salamat po.



Last edited by ChoyI on Tue Jul 18, 2017 7:22 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : included name..)

ChoyI


Arresto Menor

Please reply kung may abogadong pwedeng makatulong sa akin... baka hindi ko na abutin pa or baka patay na ako bago pa magkaroon ng pag-asa!!!

xtianjames


Reclusion Perpetua

binayaran ka ba ng nanay mo dun sa hiniram sayo pangtubos sa ancestral house? if yes, then wala ka ng habol. kung hindi naman, pwede mong habulin sa kanila to. pero since may pinirmahan ka na kasunduan regarding sa mamanahin mo, pwede nilang palabasin na kasama na dun sa parteng nakuha mo yung amount na pagkakautang sayo ng nanay mo since tulad nga ng sabi mo, naka saad dun na "hindi na ako kukuha pa ng anuman sa mga naiwang property" which includes this ancestral house.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum