Una po sa lahat masaya ako n pwede po pla humingi ng legal advice over the net.
Eto po ang prob ko, Licensed Teacher po ako.
Im 23 at yung first work ko po sa isang private school po sa Taguig.
Nag AWOL po ako nong November, dahil di ko na po kaya ang pagod.
Nakakapagod po dahil ang teaching hours po namin sa curriculum 6hours pero kadalasan nagiging 10hours po yon.
Wala po kasing janitors sa school na yon kaya po kami ang nag lilinis ng mga classrooms at cr's at kahit library at kwarto ng principal.
Ang problema ko po ngayon, nag sign po kasi ako ng contract nung August at di ko po ito natapos.
Ngayon po sa pinirmahan naming contract dati magbabayad daw po ako ng 15k pag di ko po natapos ung contract kaya po hinahabol ako nung principal namin ngayon for the 15k.
Dahil po wala pa akong work, nung December po nag padala ako ng promissory note na pinanotaryo ko po na nagsasabi na babayaran ko po yong 15k by end of january kasama ko po non ang friend ko dahil po ayaw pumayag nung principal na wala akong kasama pag punta ko sa kanya para sa promissory note na yon.
So, ayun nga po failed po ako magbayad hanggang ngayon para don sa 15k na yon na ni di ko naman po alam kung san gagamitin at parang masakit po talaga isipin na kelangan ko pang bayaran eh supposed to be siya pa ang dapat magbayad sakin sa dami ng O.T.Y's ko.
Pinadalhan po ako ng sulat nung isang araw ang sabi po ay magfafile daw po siya ng case sa court pag di ko daw po nabayaran yung 15k within the end of this month.
Parang palugit po na para bang utang ko po iyon sa kanya. Attorney, if ever po ba na magfile siya ng case ano po ang pwedeng mangyari sa akin kasi po yun pong License ko ang inaalala ko pwede po bang gamiting grounds yung inability ko to pay for the money or yun pong breach of contract.
Hindi ko pa po talaga kaya magbayad ng ganong kalaki sa ngayon dahil po una sa lahat underpaid ako nung nagtrabaho ako sa school na yon dahil wala po akong ipon, ang pamilya ko naman po wala din maitutulong knowing na panganay po ako sa magkakapatid at wala pa din po ako matinong trabahong mapasukan.
May pwede pa po ba akong gawin para labanan yung prinsipal o mangungutang nalang po ako hangang sa mabaon na ako. Hangat maaari po sana gusto kong labanan yung prinsipal dahil po napaka unfair naman po nung stay ko sa school niya pero tiniis ko po iyon wag lang akong mawalan ng trabaho.
Napaka laking bagay na po nung 15 thousand na yun kung ibibigay ko nalang po ng basta. May pwede pa po ba akong gawin para lumaban ?