Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Biological father's right for giving support

4 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

iamsoberman


Arresto Menor

Good Day po atty.,

Meron po akong anak kambal lalaki at babae 9months na po sila. Hiniwalayan po ako ng asawa ko dahil sa akala nya nambababae ako pero hindi naman talaga. hindi po kami kasal. live in lang po. and then hanggang sa nagkasalitaan na kame ng mga panget na salita at nadamay pa magulang namin parehas may nasabi siyang panget sa magulang ko kaya may nasabi din akong panget sa magulang niya, siya ang nauna magsalita. tapos yung sa anak namin ayaw na niya ipakita sakin kahit bibisita lang ako makita ko lang mga anak ko, pero yung magulang niya pinagbabantaan ako na wag na daw ako pumunta at manggulo kaya ngayon po di na ko pumupunta dahil nasasayang lahat ng binibili kong gatas at diapers. pag pumupunta ako sa bahay nila at nagdadala ng mga gatas at mga kailangan ng anak namin hindi nila tinatanggap at di nila ko nilalabas kahit sana kunin lang yung iaabot kong suporta, wala daw ako karapatan dahil di ko daw pinakasalan anak nila at di ko daw anak yun. pero sakin naka apelyido ang anak ko at nag acknowledge ako na ako ang tatay.

Ito po ang mga tanong ko advice lang po sana.

1) Ano po ba ang dapat ko gawin? kung ayaw nila tanggapin ang mga suporta na binibigay ko at ginagawa ko naman responsibilidad ko. ang titigas po ng puso nila e. baka ako baliktarin balang araw na hindi ako nagsusuporta para mawalan ako rights sa mga anak ko.

2) Mapapalitan po kaya yung apelyido ng anak ko at need po ba ng consent ko?

3) Ano pong pwede ko ireklamo sa kanila sa hindi nila pagpapakita ng anak ko at hindi nila tinatanggap ang support ko?


Maraming salamat po sa maitutulong nyo. i hope for your immediate response atty. Godbless

xtianjames


Reclusion Perpetua

1. pwede ka sumangguni sa DSWD para matulungan ka. karapatan mo na Makita at mabisita ang bata at di nila pwede ipagkait ito. just have proof na nagtry ka magbigay ng suporta pero ayaw tanggapin.

2. hindi kelangan consent mo kasi sa nanay ang sole parental authority pag illegitimate ang bata.

3. yan mismo ang reklamo mo. karapatan ng bata yung masuportahan ng magulang. hindi yun para sa nanay.

iamsoberman


Arresto Menor

Salamat atty. Kung hindi kailangan ng consent ko so it means madali nilang mapapalitan ang apelyido ng anak ko kahit ayaw ko at ginagawa ko naman ang responsibilidad ko. inacknowledge ko naman ang aking anak sa likod ng kanilang birth certificate. at kung mag asawa man ng iba ang nanay ng aking anak at gusto iadopt yung mga anak ko wala ba ako karapatan tumutol? salamat ulit atty.

xtianjames


Reclusion Perpetua

Nasa nanay kasi kung iaapelyido ang bata sa tatay or hindi kahit pa acknowledged naman ang bata.

regarding adoption, dun kailangan nila ang consent mo para maadopt ng iba ang anak mo since acknowledge mo sya.

iamsoberman


Arresto Menor

Apelyido ko po ang ginamit ng aking mga anak. so may possibility po na mapalitan ang apelyido ng aking anak na gawin na lang sa apelyido nya or dun sa magiging asawa nyang bago? and magkano aabutin ng expenses pag ginawa nya yon? salamat po. gusto ko lang talaga malinawan.

iamsoberman


Arresto Menor

Apelyido ko po ang ginamit ng aking mga anak. so may possibility po na mapalitan ang apelyido ng aking anak na gawin na lang sa apelyido nya or dun sa magiging asawa nyang bago? and magkano aabutin ng expenses pag ginawa nya yon? salamat po. gusto ko lang talaga malinawan.

iamsoberman


Arresto Menor

Any response?

xtianjames


Reclusion Perpetua

-oo pwede apelyido sa nanay yung mga bata as long as idadaan sa korte since di naman pwedeng basta basta lang baguhin records nila.

-di pwede apelyido sa mapapangasawa unless adopt nya yung mga bata with your consent.

-wala ako idea sa magagastos.

9Biological father's right for giving support Empty Change of surname Sun Jul 23, 2017 11:29 pm

Lucy11


Arresto Menor

Gud eve atty,
I want to ask for a legal advice.My husband got an affair with this woman bago pa man kame ikasal.nabuntis ang girl but im not sure if he's the father of it kasi balita ng mga asawa ng kasamahan nia poker daw ang babae.itinago sakin ng husband ko ang nangyari dhil takot cia magsabi ng totoo sakin baka hiwalayan ko daw cia at di na matuloy ang kasal namin.then we got married last 2015 without knowing the truth gang sa nabuntis na ko after a month. May problem is too late ko ng nalaman na pinaapelyido pala sa asawa ko ung bata dhil tinakot daw cia ng girl na magrereklamo sa trabaho.ayaw lang ng asawa ko ng kahihiyan kya pinirmahan ung bc ng di ko nalalaman..may karapatan ba akong magreklamo atty?ang gusto ko lang sana eh sustentuhan na lang ung bata if mapatunayan na anak nga ng asawa ko yun.may chance pa ba ng ivoid ang pinirmahan ni husband ko dun sa bc dhil tinakot lang po cia.sana po mabigyan nio kame ng payo tungkol dito..salamat po

iamsoberman


Arresto Menor

Salamat po. Last question po
1. Pag nagreklamo po ako sa DSWD para sa karapatan po ng bata na makita ako at yung visitation rights ko ay gusto ko makuha. pero ayaw ng nanay, susundin ba ng batas yun kung ayaw ng nanay na makita ko ang mga bata? hindi naman ako nagdadrugs or kung ano mang disqualifications para di ko makuha ang rights ko, kahit di na custody.

2. Once na umayaw sila sa visitation rights ko ano pa pong way para makita ko lang anak ko. kasi ayaw na nila papuntahin sa bahay nila tinatakot na ko nung magulang niya pinagbabantaan na ko. so wala ako paraan para makita sila. ayaw na din makipag communicate ng nanay ng mga anak ko sakin. nagbibigay naman ako ng mga needs ng bata pero ayaw nila tanggapin, nasasayang lahat.

3. at kung pumayag man sila sa visitation rights pwede ko ba isama magulang ko pag bumisita sa mga anak ko? for my protection lang din and para makita nila.

Salamat sa isasagot nyo.

iamsoberman


Arresto Menor

Sana masagot po agad ito para makapag reklamo na ko sa dswd

xtianjames


Reclusion Perpetua

1. karapatan ng bata yung usapan dito. labas ang kagustuhan ng nanay. kung ipagkakait nya yung karapatan ng bata na Makita ang kanyang tatay ay liable sya legally.

2. pwede mo sya sampahan ng kaso ukol dito. korte na ang maguutos sa nanay kung ano ang dapat mangyari.

3. kung di sila payag na papasukin kayo sa bahay nila, pwede naman sa public places like malls or parks.

iamsoberman


Arresto Menor

Maraming salamat!!

At saan po ako pwede magreklamo na medyo di ganon kalakihan ang bayad? or need ko talaga ng private lawyer for this cases? or sa barangay muna at PAO or DSWD?

Pwede ko din po ba ipablater yung kuya nyang pulis at isa pa nyang kuya? dahil natatakot ako sa mga banta nila. at baka once na pumunta ako sa bahay nila para bumisita e kung ano gawin nila sakin at baliktarin nila ako kung anong kwento gawin nila.


At pano po kung sulatan man sila ng barangay or ng lawyer para magkaharap kami pero di sila pupunta sa nasabing lugar at date?

xtianjames


Reclusion Perpetua

unahin mo muna sa DSWD.

pwede ka magpa blotter para in case may mangyari sayo eh may idea ang pulis kung sino pwede nila imbestigahan pero in terms na magagamit mo ito para mapigilan sila na di ka guluhin eh hindi ito ang sagot.

if that is the case, magsampa na kayo ng kaso sa korte.

iamsoberman


Arresto Menor

Okay maraming salamat Sir sa tulong!

Gagawin ko mga advise nyo. Pag may tanong po ako ulit sana masagot nyo po ulit. salamat!

iamsoberman


Arresto Menor

Good morning po ulit. tanong ko lang po kung saang DSWD ako hihingi ng tulong? sa lugar ba nila o sa lugar ko? or sa main pa po? salamat po.

xtianjames


Reclusion Perpetua

pwede mo unahin sa lugar kung saan nakatira yung nanay. kung di ka entertain, tsaka ka dumiretso sa main.

18Biological father's right for giving support Empty Change the Surname of my child Fri Jul 28, 2017 11:51 am

momykez


Arresto Menor

Hello Good Morning Atty.
Atty. Gusto ko pong i change yong surname ng baby ko. pinanganak ko c baby September 2016. Since 1month palang baby ko di na nagsuporta umalis na yung father ni baby. Si baby lang po ang naiiba yung surname dito saamin. Baka po pag laki nya ay magtaka sya kung bakit naiiba yung surname nya. Gusto ko po sana na mabago yung surname nya Atty. maari po bang mabago yung surname ni baby? Hindi naman po kami kasal ng father nya. Marami na po akong nabasa na mga comment dito na hindi na pwdeng baguhin. Atty., sana may iba pang way? Kawawa naman Anak ko sya lang ang naiiba yung surname dito sa pamilya namin. Wala naman pong nagasto yong father sa pagpanganak ko pero dali-dali nyang na rehistro yung birth certificate ni baby para sa kanya yung surname. Nagsama kami sa pag rehistro at hinayaan ko po yun, sa akala kung di sya aalis at hindi sya tatakbo sa obligasyon nya, pero umalis po sya Atty. . Kaya ito po ako ngayon Atty. nag tatanong kung PARAAN pa po ba para mabago yung surname ng Anak ko? Kung wala na, pwede ko bang ireklamo sa batas yung father para malaman nya na mali yung ginawa nya sa pag iwan sa obligasyon nya kahit hindi kami kasal. (kasi po ang lahat na i entertain lang ay yung kasado sa father yung legal, kami na hindi kasal baliwala lang po sa batas. kasi daw wala pang batas na yung illegitimate na bata ay may lakas sa batas.) kung baga di po kami pinapansin ng batas. Paano po ung karapatan namin Atty. na kami po na hindi kasal at iniwanan sa unresponsable father. Marami po dito na Single Mother iniwanan sa unresponsable father. NO SAY lang kasi di nakarga sa tinutupad na batas.

Maaari po bang makulong yung father sa pagtalikod sa responsibilidad nya?

Please po Atty. Please Help us.

kahit na di lang po sa saakin, kami po lahat ng mga Single Mother.

Maraming Salamat po 😀😀

iamsoberman


Arresto Menor

@momykez grabe naman yang ex boyfriend mo walang kwenta. samantalang ako, ako pa yung nagsusumiksik na magbigay ng suporta sa anak ko pero ayaw tanggapin ng ex girlfriend ko, di naman siya yung iinom ng gatas at magsuot ng diaper. stay strong po.

xtianjames


Reclusion Perpetua

@momykez
pwede ka magdemand ng support dun sa tatay since pirmado nya yung BC ng anak mo. lapit ka sa PAO kung indigent ka para matulungan ka magdraft ng demand letter for support. kung di sya magcomply, pwede mo sya kasuhan.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum