deguzman,
gusto ko lang maliwanagan sa tanong mo.
unang tanong, yung "pinautang" mo na customer, regular customer? Sa ganong kalaking order na sigarilyo na kinuha, masasabi natin na regular ninyo yan. kasi usually may kasunduan ang company at mga regular customer na kumuha on consignment. pero ano naka lagay sa contract ng customer at company.. gano katagal ang bayaran. sabi mo consignment, ikaw ba ay pumupunta sa customer para mag inventory lagi at check kung ano na nabenta. consignment basis usually is pay when sold. so dapat lagi kang pumupunta sa costumer, check mo kung ilan na benta at singilin sila pag na benta yung produkto.
pag deduct sa sahod - check mo contract mo kung may naka lagay doon. also deduction without your approval or consent is not allowed unless 1)part ng penalty yun or 2)naka saad sa contrata mo, or 3)part ng papeles na pinirmahan mo para ilabas ang produkto o maibigay sa customer.
For 1) & 2), usually dapat idaan muna sa processo. may imbestigasyon muna. bigyan ka ng notice / show cause tungkol sa nangyari, paliwanag ka then penalty before deduction.
Part of 2), failure na gawin mo ang trabaho mo - halimbawa mag ikot at mag imbentaryo at maningil na hindi mo nagagawa... pero daan ulit ito sa processo
For 3) may mga kumpanya na bago mo ilabas ang produkto mag pipirma ka na mananagot ka sa produkto pag di naka abot sa customer. Usually sa Gen Merchandise, kailangan mo prueba na yung "5 ream" na sigarilyo na inilabas mo sa kumpanya ay naka rating sa customer ng "5 reams" also. para wala kang bayaran. pag naka rating sa customer ay 4 na ream lang, automatic kaltas sa iyo ang retail price ng 1 ream na nawala. ito ay part nila pag discourage sa mga "insidente" na "hold-up me" na sinasabi nila.
summary: di pwede na mag deduct basta basta. kailangan dumaan sa process bago ka i penalized or pumayag ka ahead of time na i deduct sa iyo ang produkto.