Nakatira ako sa isang apartment nang may kinakasama at halos dalawang taon na kaming nagsasama. Ung una naming apartment na tinitirahan, May 2015 - April 2016, ung kinakasama ko lang ang nakapangalan sa kontrata ng lease. Ngayon, sa bago naming tinitirahan, May 2016 - April 2017, siya pa rin ung nakapangalan, wala ung pangalan ko sa kontrata. Nagtanong kami sa bago naming landlord kung pwede kami magpagawa ng kontrata base dun sa original namin na kontrata, May 2016 - April 2017, para isama ung pangalan ko. Nang hingi kami nito, July 2017 na.
Hindi ko po alam kung bawal ang mag produce ng kontrata na nafulfill na, pero kung bawal po, ano pong pwedeng document na maipasa namin na nagpapatunay na tumira kami dito nang more than 1 year?
Kung hindi naman po bawal, ano po kayang pwede naming sabihin sa landlord namin para makuha ung kontratang luma na kasama ang pangalan ko? Pinipilit niya po kasi kaming pumirma nalang ng bagong kontrata, eh baka po hindi pa tapos ang taon ay kailangan na namin umalis ng bansa. Saka baka sabihin pa ng immigration nagsisinungaling kami na since 2016 kami naka tira dito, bat ang kontrata namin ay pang 2017-2018.