Meron po akong anak kambal lalaki at babae 9months na po sila. Hiniwalayan po ako ng asawa ko dahil sa akala nya nambababae ako pero hindi naman talaga. hindi po kami kasal. live in lang po. and then hanggang sa nagkasalitaan na kame ng mga panget na salita at nadamay pa magulang namin parehas may nasabi siyang panget sa magulang ko kaya may nasabi din akong panget sa magulang niya, siya ang nauna magsalita. tapos yung sa anak namin ayaw na niya ipakita sakin kahit bibisita lang ako makita ko lang mga anak ko, pero yung magulang niya pinagbabantaan ako na wag na daw ako pumunta at manggulo kaya ngayon po di na ko pumupunta dahil nasasayang lahat ng binibili kong gatas at diapers. pag pumupunta ako sa bahay nila at nagdadala ng mga gatas at mga kailangan ng anak namin hindi nila tinatanggap at di nila ko nilalabas kahit sana kunin lang yung iaabot kong suporta, wala daw ako karapatan dahil di ko daw pinakasalan anak nila at di ko daw anak yun. pero sakin naka apelyido ang anak ko at nag acknowledge ako na ako ang tatay.
Ito po ang mga tanong ko advice lang po sana.
1) Ano po ba ang dapat ko gawin? kung ayaw nila tanggapin ang mga suporta na binibigay ko at ginagawa ko naman responsibilidad ko. ang titigas po ng puso nila e. baka ako baliktarin balang araw na hindi ako nagsusuporta para mawalan ako rights sa mga anak ko.
2) Mapapalitan po kaya yung apelyido ng anak ko at need po ba ng consent ko?
3) Ano pong pwede ko ireklamo sa kanila sa hindi nila pagpapakita ng anak ko at hindi nila tinatanggap ang support ko?
Maraming salamat po sa maitutulong nyo. i hope for your immediate response atty. Godbless