Need po ng advice kung anong dapat kong gawin. Wala kasi akong idea at hindi ako makatulog kakaisip.
Eto po yung nangyari;
I am a seafarer or lets say i WAS.
Na-schedule po akong umalis papuntang houston para sumampa sa aking barko.
July 6 po ang alis ko, nagback-out po ako nung nandun na ako sa NAIA dahil hindi po kinaya ng aking damdamin ang pag-alis.
Alam ko po na maaari akong kasuhan ng aking employer.
Ininform ko po agad sila sa nangyari at sinabihan nga po ako ng aking crewing manager na magreport kinabukasan.
Pinagawa nya din po ako ng writtet letter stating why i backed out.
July 7 po (friday) nang magreport ako sa office sa aking manager.
Wala naman po syang nasabi about legal respobsibilities ko or kung ano pong dapat kong gawin, sinabon lang ako nang sinabon. Hindi nya din daw alam ang gagawin nya sakin.
Gusto ko lang po kasi sana ayusin ang gusot, harapin ang kaparusahan at linisin ang pangalan ko bago ako umalis sa kumpanya. Wala na rin kasi po akong balak na umalis at sumakay pa ng barko.
Hindi ko po alam ang dapat kong gawin. Kung dapat po ba akong bumalik sa opisina at kausapin ang hindi ko alam kung sinong dapat kausapin or maghantay na lang ng tawag nila o imbitasyon galing sa korte na ako at may kaso na. Please help me po dahil diko po talaga alam ang aking gagawin. Salamat po