Kami po ng asawa ko ay nanalo sa isang foreclosure bidding ng isang property ng NHMFC noong 2013. Ang winning bid price po namin ay 770k at nakatanggap kami ng notice from the agency na kami po ang nanalo. Nainform naman po kami verbally na subject for re-appraisal ung property at maaari itong tumaas ng konti. Nagbayad kami ng 10% required downpayment at litigation fees na umabot sa 65k pesos. Binayadan din po namin ang mga hindi nababayang amilyar sa munisipyo na umabot sa 50k dahil kelangan daw po na malinis ang tax para sa litigation. After a year, na inform po kami verbally na ang re-appraised value ng property ay 1.3M at tapos na rin po ang redemption period na 1 year at iniimbitahan kami sa opisina para sa certificate of sale, etc. Masyado po ang itinaas ng sale price, Inilapit na po namin ito sa NHMFC subalit walang naging tugon sa amin unang reklamo tungkol sa mataas na re-appraised value. Gusto ko lng po sanang malaman kung ano ang pedeng gawin para i honor ng NHMFC ang aming winning bid price na 770k at kung may batas po ba tungkol dito.
Ang isa pa po na aming inireklamo sa knila ay during auction, meron po silang offer na 30% discount para
sa properties na will undergo litigation subulit ayaw din po nilang ihonor ito. Maraming salamat po