Dating OFW 9 years po, nagpasya akong umuwi sa Pilipinas ulit dahil nagkasakit ang nanay ,at para tulugan din sya. Halos di na sya nakakaalis sa bahay dahil sa kalagayan nya.
May karapatan ba ang isang pinagsanglaan ng palayan na mag claim sya ng tenancy rights? Na oust namin through a DAR mediation ang recognized tenant namin dahil sa inamin nya na kusa nyang pinagsangla ang palayan namin sa ibang tao , Ngayon po ay yung taong napagsanglaan dahil may pera syang binitawan ay nag file ng kaso laban sa akin at sa original tenant namin sa DAR without me knowing, nalaman ko lang noong magpapatanim na ako sa lupa namin, sabi ay may kaso daw ako sa DAR regarding tenancy issues, at bawal na muna magtanim ( sa sarili kong lupa).
May 3 o 4 apat na beses na akong pumunta sa palayan pag anihan para tumangap ng share ng ani bilang may ari ng lupa, na buong akala namin sila yung original tenant namin, may mga recibo silang pinapapirmahan sa akin kada bigay nila ng pera pagkatapos ng ani.
Dalawang tanong lang po:
1. Ang kaso na naka file sa DAR ay laban sa akin at yung dati kong tenant ( yung tenant namin na naoust sa property dahil sa sanglaan na nangyari), Natuloy and kaso kahit wala akong kaalam-alam,o hinde man lang ako nakatangap ng sumon letter. Ang explaination sa akin sa DAR ay dahil sa nagrespond and tenant namin kaya natuloy ang kaso. ( Sa manila po ako nakatira, at ang pinuntahan ng DAR ang yung bahay ng nanay ko sa Bicol, wala na pong nakatira doon mula noong namatay po ang nanay ko.)
2. May right ba mag claim ng tenancy rights and isang taong napunta sa property nmain dahil sa sangla na nangyari?
Sana po ay may mag bigay ng liwanag sa situasyon na to..Salamt po at GodBless!