Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Qualified theft

+12
joseph0
mandacy
keken
nicole2684
gelaimo
arrenjoy19
ella1714
mcsb
Jadis
chloe_nathalie
xtianjames
Karl1989
16 posters

Go to page : 1, 2  Next

Go down  Message [Page 1 of 2]

1Qualified theft Empty Qualified theft Tue Jun 27, 2017 6:08 pm

Karl1989


Arresto Menor

Mag ask lang po sana ako ng advice .. Kinasuhan po kami ng kaso ng cmpany namen, kadarating lang po ngayun ng subpoena.. Ang kaso po ay kami po ang naglabas ng mga mamahaling bato (quartz) na inutus ng isa naming project in charge.. Panu po ba ang gagawin nito gagawa poba kami ng counter affidavit agad.. Hindi po ba pede na makipag areglo sa kumpanya para hindi na kami kasuhan.. Ang mangyari nito ay accesory to the crime lang kami at yung mataas namin ang nag utos sa amin

2Qualified theft Empty Re: Qualified theft Wed Jun 28, 2017 1:10 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

pumunta sa korte at ibigay ang side nyo. mag hire ng abogado para mas maprotektahan ang sarili.

3Qualified theft Empty Re: Qualified theft Mon Jul 03, 2017 5:43 pm

Karl1989


Arresto Menor

Kapag ba nahatulan ng qualigied theft bailable ba ito?

4Qualified theft Empty Re: Qualified theft Mon Jul 03, 2017 5:58 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

kung nahatulan ka na eh kulong ka na. yung bail ay pinopost habang ongoing pa ang kaso at nakakulong ang nasakdal.

5Qualified theft Empty Re: Qualified theft Mon Jul 03, 2017 6:13 pm

Karl1989


Arresto Menor

Maraming salamat po

6Qualified theft Empty Qualified Theft Tue Jul 04, 2017 2:30 pm

chloe_nathalie


Arresto Menor

I received a subpoena today, yung dati kong employer kinakasuhan ako ng qualified theft kase nagtransfer ako ng fund sa account ko. It was 20k+. Ask ko lang po if kung makukulong ako dito? Hindi po ba pwede ang settlement dito? Really need your help. Salamat po!

7Qualified theft Empty Re: Qualified theft Tue Jul 04, 2017 3:02 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

kung hinatulan ka ng korte na makulong eh di oo. kung gusto mo makipag areglo, dun ka sa nagsampa ng kaso makikipag areglo. nasa kanila na yun kung willing ba sila makipag settle sayo out of court or tutuloy nila ang kaso.

8Qualified theft Empty Re: Qualified theft Tue Jul 04, 2017 3:15 pm

chloe_nathalie


Arresto Menor

Kapag po ba nakalagay sa subpoena na requesting for attendance, at pumunta ako ano po ba ang mga possible na mangyare? Guilty of charge na po ba agad ako? Panu po kung hindi nagreresponse ang complainant, ibig sabihin po ba nun makukulong na talaga ako?

9Qualified theft Empty Re: Qualified theft Tue Jul 04, 2017 3:20 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

hindi po. malamang po nyan hihingin lang ang salaysay mo para maging basehan sa pag takbo ng kaso.

10Qualified theft Empty Re: Qualified theft Tue Jul 04, 2017 3:24 pm

chloe_nathalie


Arresto Menor

Salamat po ng marame. If ever worst come to worst and nahatulan ako, ganu po kagrave magiging hatol saken?

11Qualified theft Empty Re: Qualified theft Tue Jul 04, 2017 3:25 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

yung kaso sa qualified theft usually depende sa amount na pinaguusapan yung hatol ng korte. mas Malaki yung amount, mas mabigat yung parusa.

12Qualified theft Empty Re: Qualified theft Tue Jul 04, 2017 4:25 pm

chloe_nathalie


Arresto Menor

In my case kaya po?

13Qualified theft Empty Re: Qualified theft Tue Jul 04, 2017 4:41 pm

Jadis

Jadis
Reclusion Perpetua

If I am not mistaken, because the amount you stole is P20+++, the penalty two degrees higher for theft, since the charge is qualified theft will be RECLUSION TEMPORAL MINIMUM - 12 years and 1 day to 14 years and 8 months. If you are convicted an indeterminate sentence based on this will be applied.

If the exact amount is more than P22,000, two degrees higher, the penalty might be RECLUSION PERPETUA (20 years and 1 day to 40 years)

14Qualified theft Empty Re: Qualified theft Tue Jul 04, 2017 4:42 pm

Jadis

Jadis
Reclusion Perpetua

Face the charges, and if you really took the money, find a way to give it back and to settle out of court.

The subpoena is just for preliminary investigation. You have a choice whether to file a counter-affidavit or otherwise.

I suggest you hire a lawyer.

Next time don't steal.

15Qualified theft Empty Re: Qualified theft Tue Jul 04, 2017 9:51 pm

Karl1989


Arresto Menor

E panu kung ang amount po ay 93k siya panu po ba ang hatol dun?

16Qualified theft Empty Re: Qualified theft Tue Jul 04, 2017 9:52 pm

Karl1989


Arresto Menor

E panu kung ang amount po ay 93k siya panu po ba ang hatol dun?

17Qualified theft Empty Re: Qualified theft Tue Jul 04, 2017 9:53 pm

Karl1989


Arresto Menor

E panu kung ang amount po ay 93k siya panu po ba ang hatol dun?

18Qualified theft Empty Re: Qualified theft Tue Jul 04, 2017 9:54 pm

Karl1989


Arresto Menor

E panu kung ang amount po ay 93k siya panu po ba ang hatol dun?

19Qualified theft Empty Re: Qualified theft Tue Jul 04, 2017 10:00 pm

Karl1989


Arresto Menor

E panu kung ang amount po ay 93k reclusion perpetua naba sya if convicted?

20Qualified theft Empty Re: Qualified theft Tue Jul 04, 2017 10:07 pm

Jadis

Jadis
Reclusion Perpetua

Yes. Reclusion perpetua.

21Qualified theft Empty Re: Qualified theft Wed Jul 19, 2017 9:55 am

mcsb


Arresto Menor

Good day atty.! Mag seek lang po ako ng advice regarding sa case ng kapatid ko na nasa pinas. Nagwork po siya sa isang malaking company aminado naman po siya na may mga pera siya na hindi na ipasok sa company dahil po yung bunsong anak niya kailangan operahan sa puso simple lang po ang pamumuhay niya hindi gaanun kalakihan ang sahod niya at sahod ng asawa niya kaya po ganun din po kami dito kaya niya nagawa ang ganun inamin naman po niya.nung nag audit daw po ang company nila umabot daw po sa 260k mahigit ang hindi na ipasok ang sabi po niya may mga resibo daw po na mga ibidensiya pero ang sabi po niya yung iba ay hindi niya alam kasi yung receptionist daw po nila sinasabi sa kanya na nagkamali ng sulat at pinapa counter sign sa kanya.sa makatuwid po yung iba na mga kasama niya na gumagawa ng matagal na ng hindi niya alam sa kanya lahat ipinatong ang kaso..kinasuhan po silang dalawa ng receptionist ng Qualified Theft..nag karoon po sila ng preliminary investigation at nakikipag ayos po ang kapatid ko na ibabalik niya na lang yung pera nag offer daw po siya ng 300k kaso po hindi daw po pumayag yung complainant at hindi daw po nila alam kung yun lang talaga ang nawala.iniakyat po nila ang kaso…kaya kahit po gipit din kami tinulungan namin ang kapatid ko para lang po wag makulong dahil sa galit po ng asawa nya iniwan sila ng mga anak niya..kumuha po kami ng abogadona kakilala ng isang pamangkin ko para hindi malaki ang bayaran namin.nung feb 20, 2017 nagkaroon po ulit ng hearing sabi ng atty gusto daw po talaga ituloy ang kaso pero open ang complainant for settlement. Kaya nakiusap po kami sa atty na makipagusap na kung pwede isettle na lang. Hanghang sa nagkaroon na daw po ng warrant ang kapatid ko dahil daw po sa 90counts aabot daw po 2.7m ang bail napakalaki po at hindi namin na kayang bayaran kaya nakiusap po kami sa atty. Ng kapatid ko na mapapayag na niya sa settlement ang complainant. Sabi po ng atty ng kapatid ko baka daw gustong malaki ang iooffer ng kapatid ko kaya nakiusap ang kapatid ko sa amin na tulungan namin siya kaya naka pangutang po kami ng 1m pang offer para lang maayos na ang kaso ng kapatid ko.nitong 3rd po ng june muling nagtanong kapatid sabi po ng atty niya payag na daw po makipag settle ang complainant kaso ang sabi po ng atty kahit daw po makipag settle na ang complainant tuloy pa din daw ang kaso depende na daw po sa fiscal kung i dismiss ang kaso niya dahil naka sampa na daw po sa judge ang kaso at kailangan siyang magbail para makalabas bakit po ganun?samantala sabi po niya nun na kapag pumayag na ang complainant sa settlement magpirmahan lang sa harap ng judge at mawawala na din ang warrant kaya nga po kami ng offer na ng 1m para hindi na kami magbayadng bail at para hindi na siya makulong kesa po ipambayad sa bail pang arreglo na lang po.atty ano po ba ang pwede naming gawin para sa kapatid ko. Tinutulungan po namin siya alang alang na lang sa mga anak niya dahil maliliit pa po. Sana po matulungan ninyo kami maraming salamat po God bless po.

22Qualified theft Empty Qualified Theft Advice Tue Jul 25, 2017 7:28 pm

ella1714


Arresto Menor

Good day po. My sister commited qualified theft. Waiting na lang sya for resolution. What if hindi na dismissed yung case. Ano po kaya ang pwede nyang gawin? Na audit daw po kasi sya sa office nila. Pero after nya mag resign, tsaka sya pinagbabayad ng mga nawawala pala sa company fund nung time na acctng staff sya. Aside dun, nakita daw kasi sa cctv, na kumuha sya ng 2 blank cheques and yung isa ay pinapalitan nya. Pineke nya yung signature, accdng sa mga sinend ng bank sa company. Meron din sya, iba pang cheques na pineke ang pirma. Willing makipag settle yung ate ko, but her former boss agreed on one condition na kailangan daw ituro nya yung messenger as mastermind dahl di daw naniniwala yung boss nya na kaya niya yun gawin mag isa. di nya gnawa dahil di naman daw totoo na kasama nya yung messenger. Until now, di niya alam gagawin nya at nagaantay na lang sya for settlement,.willing naman daw po sya bayaran. pero gusto nung boss nya 300,000 lahat. pero alam ng ate ko na below 100k yun at hindi aabot yun sa ganung am0unt at dinagdagan na lang nila. Ano po ba ang dapat nyang gawin? Please advice naman po. Thank you

23Qualified theft Empty Re: Qualified theft Mon Sep 11, 2017 7:14 pm

arrenjoy19


Arresto Menor

good day po , ask lang po ako ng advice, kinasuhan po ako ng qualified theft ng employee ko po ,dahil po sa kinuha kong parts ng computer, worth 31k, paano po ba ang gagawin ko para po for settlement nalang po at hindi na po ako makulong, i hope matulungan nyo po ako at malinawan po ang isip ko, pwede po ba na isettle nalang po yung amount na yun

24Qualified theft Empty Re: Qualified theft Mon Sep 11, 2017 7:32 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

dun ka makipag usap sa maghahabla sayo at magmakaawa ka na makipag settle out of court. Tandaan mo na di sila required makipag settle sayo kaya kung ayaw mo makasuhan, sundin mo kung ano man terms nila. just have everything in writing pag makikipag settle ka na.

25Qualified theft Empty Re: Qualified theft Thu Sep 14, 2017 11:19 pm

gelaimo


Arresto Menor

Good pm. Hingi lang sana ako ng advice. May business partner ako. Sya ang nangapital at ako naman ang tga benta ng items. Nasa around 270k lahat ang nainvest nya. Usapan namin monthly ang hatian at yung bayad sa rent namin sa bahay maghahati kami dahil dun nakapwesto ang items. Nakabenta naman ako worth 180k plus. Dumaan ang ilang months walang hatian na ngyre and even yung rent hnd din ako nahatian. Last time may delivery sana kami sa province pero hindi natuloy dahil nag cancel si buyer. Yung items hindi agad nabalik sa pwesto since aalis na kami dun dahil nagamit na namin lht ng security deposit kaya pinatabi muna namin sa friend namin. Ngayon magfifile daw ng qualified theft yung partner ko. Possible po ba yun kahit maibabalik naman anytime yung items?

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 2]

Go to page : 1, 2  Next

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum