Pa advice naman po, last month nagpaclearance po ako sa former company na pinasukan ko and nakumpleto ko naman ang pirma, ang advice nila maghintay daw ng 25-30 days para sa COE and if ever daw na may backpay pa na makukuha ibibigay din nila. Then, after 33days nag follow up ako through email sa company, ang sabi nila need ko magsettle ng certain amount ng money before ibigay COE ko. Kaya po ang counter ko sa kanila, paano ako magkakaron ng babayaran? Wala po ako nasirang company property and lalong wala akong training bond na pinirmahan. May lwop ako pero ang companies naman ay no work, no pay. Kaya if absent ako, technically wala silang inilabas na pera or sobrang bayad sa akin na need ko ibalik. Ngayon hinihingan na po ako ng bagong company na pinasukan ko ng COE kaso di ko po maiprovide dahil po sa issue na yun. Marami ang nagsasabi mag-file ako ng case sa NLRC pero gusto ko po makasiguro muna baka masayang lang po yung effort at time. Thank you po