May tanong po ako, namatay po kasi ang father ko tapos kelangan namin iprocess ang separation pay niya. Annulled na siya ng Mother ko at nagpakasal ulit siya sa stepmom ko. Ang nakalagay na dependent niya sa company ay kaming magkakapatid lang at hindi nakalagay ang stepmom ko.
Ang tanong ko po, May habol po ba ang stepmom ko sa makukuha namin sa separation pay niya? or kaya ba niya makuha ung separation pay kahit hindi siya nakalagay sa dependent?
Humihingi kasi siya samin ng special power of attorney na i-authorized na siya ang magclaim on behalf sa family namin.
Need your advise! Thank you so much in advance.